Chapter 28

73 42 21
                                    

C H R I S T E L L E

"Nagseselos ako sa inyo ni Brylle, dati pa. I like you, Angel. Naiintindihan mo na ba?"

Napaawang labi ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?

"W-what? Gusto mo ako?" Paglilinaw ko.

Gusto niya raw ako? Paano? Bakit? Kailan?

"Seryoso ka ba?" Tanong ko muli. Nananaginip ba ako?

Instead of answering me, he just gave me his warmest smile. I just realized that he's been acting differently in front of me; opposite to what he is known for.

Where's the cold-hearted Denver that we all know?

"Call me Andy from now on," aniya. I suddenly felt butterflies in my stomach.

"H-hey!"

Agad akong napa-atras palayo kay Denver nang may marinig kaming kaluskos galing sa kung saan. Bigla tuloy akong nahiya nang mapagtanto ko kung gaano kami kalapit ni Denver kanina sa isa't-isa.

Nang tignan ko si Denver, nakakunot na ngayon yung noo niya at parang may hinahanap. Anong mayroon?

Tumingin ako sa direksiyong tinitignan niya dahilan para mapansin ko ang isang lalaking tumatakbo palayo sa amin. Pilit kong kinilala kung sino iyon pero mukhang hindi naman namin schoolmate. Safe.

"Let's go," ani Denver at hinila ako pabalik sa kung saan kami galing kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad kasama siya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

"Gusto niya talaga ako?"

"Of course, silly," agad akong napatingin sa kaniya nang nagtataka. Narinig niya sinabi ko?

"You're saying your thoughts out loud," aniya nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Napayuko naman ako dahil doon. Nakakahiya!

Ilang minuto pa yung lumipas, nakita namin sina Allyza na nagpi-picture sa harap ng dungeon sa Fort Santiago. Lumapit naman kami sa kanila.

"Oh, you're done talking?" Tanong bigla ni Fritzy nang mapansin kami. Tumango naman ako bilang tugon.

Nagpaalam naman si Denver sa amin bago umalis. Magsasalita palang sana ako sa kanila at magpapaliwanag kung bakit natagalan kami nang bigla silang nagsitilian.

"OMG Christelle! Sana all may bebe time," pangunguna ni Hannah sa pang-aasar.

"Hindi naman bebe time yun," pagtanggi ko rito pero lalo lang nila akong inasar.

"Let's go. I don't want to be late for the exhibit," gulat akong napatingin kay Brylle. Nandito rin pala siya?

Saka ko lang napansin na kumpleto pala kami rito. Kami-kami pa rin yung magkakasama kagaya kaninang umaga. Yung kambal lang mahihiwalay sa amin.

Naglakad na palayo si Brylle na agad din naman naming sinundan. Nagrereklamo pa si Brent kasi may 20 minutes pa naman daw before call time.

Nagtataka ako ngayon kay Brylle, ang tahimik niya. Parang nabaliktad sila ngayon ni Denver ng dila. May kinalaman ba 'to sa sinasabi niyang 'friendship over' kanina?

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon