Chapter 6

99 58 13
                                    

C H R I S T E L L E

"Sure ka Christelle, ayaw mo sumabay sa amin kumain?" Tanong muli ni tita sa akin habang naghahanda ng makakain nila kasama ng mga workers niya sa shop.

Kanina pa ako nandito at inaantay matapos ang pinagawang dress nila mama. Hindi pa daw kasi tapos lagyan ng mga sequins sabi ni tita kasi may dinagdag daw siyang mga designs na babagay sa motif. As of now, yung isang worker niya yung trumatrabaho sa dress kasi busy mag-asikaso ng pagkain si tita.

"Opo, tita," nakangiti kong tugon sa tanong niya pero umiling lamang siya at pinatayo ako sa kinalalagyan ko. Jusko po! Mukhang alam ko na yung sunod na mangyayari.

"Naku Christelle! Kahit ilang hindi pa yung gawin mo riyan, sumalo ka sa amin. Mukhang hindi ka pa nagtatanghalian oh," turan niya. Nagtanong pa siya.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya bilang tugon at nag-umpisa nang kumain kasama ang ilan sa mga nagta-trabaho sa shop niya. May kaniya-kaniyang mundo ang mga ito dahilan para manahimik na lamang ako sa tabi.

Akmang tatayo na ako para kumuha ng tubig nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang asungot, si Sam.

"Yo, tita! Kumusta po?" Bungad nito kay tita na para bang wala siyang ginawang masama sa anak nito, ang matalik na kaibigan at pinsan kong si Hannah.

"Samuel hijo, buti naman at napadalaw ka. Sakto! Andito rin si Christelle. Nagka-ayos na ba kayo?" Turan ni tita sa kaniya. Matapos marinig ang kaniyang sinabi ay naglakad na lamang ako patungong water dispenser para uminom.

Kukuha na sana ako ng paper cups nang biglang may isang kamay na sumulpot at tumama sa mga daliri ko. Naiinis ko siyang hinarap na siya namang nagpahinto sa akin.

"Sorry," tanging usal niya at kumuha na ng tubig bago umalis at magtungo sa mga kaibigan.

I glanced at him one more time before shaking my head to bring me back my senses. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaniya? Ang weird.

"Bakit ka nakatitig kay Denver?" Halos mapatalon ako sa puwesto ko nang may bumulong sa gilid ko. It was Brylle.

Lalong bumilis yung tibok ng puso ko, hindi dahil sa presensiya niya bagkus dahil sa tanong niya. Sa oras na magpalusot ako at hindi sabihin ang totoo, aatake nanaman yung sakit ko. Ayokong mangyari iyon lalo na sa harap niya.

"Bakit kayo nandito?" Pag-iwas ko sa tanong ni Brylle. Mabuti naman at hindi niya na ako kinulit pa at sinagot yung tanong ko.

"Sam wanted to visit his bestfriend's mother to check upon her that's why we accompanied him here. How about you? Why are you here?" Balik niya sa tanong ko.

"May kinukuha lang na damit dito kila tita," I casually said. He formed an "o" with his lips which made me crease my forehead.

"Okay," he just send and swept his feet away from me. Tuluyan na niyang nilapitan yung mga kaibigan niya. Napailing na lamang ako dahil dito. He's acting weird lately. Nakakabigla lang na kinakausap na niya ako ngayon. Noon kasi kung hindi pagtatawanan ay halata mong wala siyang pakialam sa akin.

At ako rin. Ano bang pakialam ko sa kaniya?

I turned my gaze upon them who are now comfortable sitting on my aunt's shop couch. Halos manlaki yung mga mata ko nang magtama yung paningin namin ni Denver. What the— bakit bigla nanamang kumalabog puso ko?

Dali-dali akong nag-iwas ng tingin at nagtungo na lamang sa maliit na kusina dito na kung saan naroon yung ilan sa mga employees ng tita ko.

"Ang popogi ng mga dumating nene no?" Bungad sa akin ng isa sa kanila na naghuhugas ng mga plato. Tumango naman ako bilang tugon. Kung sabihin ko naman kasing hindi, baka sinukin nanaman ako nang sinukin. Baka mamaya, may makasabay nanaman ako mula sa barkada ni Sam. Mahirap na.

"Bagay kayo nung mukhang bao yung buhok," halos matawa naman ako sa sinabi ni ateng nagpapatuyo ng mga plato. Bunot OMG! Grabeng compliment yan.

"Hindi sis! Mas bagay sila nung naka-taas yung style ng buhok. Ikaw hija, wala ka bang natitipuhan sa mga iyon?" Tanong nito sa akin dahilan para mabilaukan ako ng sarili kong laway.

"W-wala po,*hic!*," tugon ko sa mga ito pero bigla akong sininok. What the—

Sunod-sunod ang pagkawala ng mga sinok galing sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Totoo namang wala akong natitipuhan sa mga iyon. *hic!*

Inabutan nila ako ng dalawang basong tubig pero kahit naubos ko na ang mga iyon, ayaw pa rin tumigil ng sinok ko. Pumikit na lamang ako at huminga nang malalim. Bahala na.

"Yung naka-taas po *hic!* y-yung buhok. Type ko po yun," saad ko sa kanila na siya ring nagpatigil sa aking mga sinok. Nagkatingin naman yung dalawa at nagtatalon dahil sa tuwa't kilig. Mga buang.

I was pertaining to Denver a while ago. The abnormal heartbeats and even the heating of my face everytime we do eye contacts... Siguro sign na nga iyon na type ko siya. My hiccups also explained and confirmed it all. Besides, crush lang naman eh.

"Sayang manok ko sis. Bagay din naman sila eh," pag-uusap ng dalawa tungkol sa amin na para bang wala ako sa harap nila.

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang bigla akong nanigas na para bang may isang multong nakangisi sa harap ko. Andito si Sam!

Narinig niya kaya yung sinabi ko? Anong ginagawa niya rito? OMG! Mukhang katapusan na ng mundo ko.

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" He asked. I gulped and decided to ignore him but suddenly, he held my arms and looked straight into my eyes.

"Narinig ko lahat..." Bulong niya na siya namang ikinalabog ng puso ko.

"N-ng?" Kinakabahan kong turan pero tumawa lamang siya at tumingin sa pwesto ng mga kaibigan niya. Shookt. Ang tsi-tsismosa naman kasi ng mga empleyado ni tita. Nakakainis.

Hinila ko ang kwelyo ni Sam dahilan para lalo niya pang mapantayan ang tangkad ko at mariin na binulungan na siya namang ikinangisi niya.

"Don't you dare utter a word to them," ani ko.

"I'll keep my mouth shut in one condition," tugon naman nito. Napatingin naman ako sa empleyadong nag-uusap kanina na siyang dahilan kung bakit naipit ako sa gulong ito.

"Ano?" Tanong ko dito. He grinned at me before leaning his back on the refrigerator.

"Let's bring Hannah and our friendship back," he casually said and patted my head before heading back to his friends.

***

<3

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon