Chapter 44

34 32 9
                                    

C H R I S T E L L E

'Patawarin mo si mama, anak.'

Kanina ko pa tinititigan yung corn dog na hawak ko habang naglalakad papuntang school oval. Nandoon kasi si mama sa mga bleachers, hinintay akong matapos yung klase ko para raw makausap ako.

Kusang lumambot yung loob ko sa kaniya kanina kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. I actually told her to go home kasi uuwi nalang din ako pero umayaw siya, baka raw magbago isip ko't bumalik sa bahay ng kaibigan ko.

Pagdating ko sa bleaches, bakit ko roon si mama na pinagmamasdan lang yung paligid. Agad kong siyang nilapitan at inabot yung corn dog na hawak ko. Tinanggap niya naman ito at pinaupo ako sa tabi niya.

"Maniniwala ka ba anak kung sabihin ko sa iyo na dito rin ako nag-aral noon?" I just stared at her after hearing what she said. Ang random.

"Walang masiyadong nagbago sa lugar na ito, nadagdagan lang ng mga buildings," nakangiti niya pang sambit habang kumakain ng corn dogs.

Tumango nalang ako sa kaniya para naman hindi magmukhang kinakausap ni mama yung sarili. I don't know what her point is but at least listening to her won't make me look disrespectful.

"Your father and I used to play tag here, in this oval," aniya ulit which made me crease my forehead.

"My father?" I asked, confused.

"Yes, your biological father." Our gazes met while saying those words. Ibig sabihin, matagal na silang magkakilala ng totoo kong tatay?

Naguguluhan ako, paano? Bakit? Sino ba yung totoo kong mga magulang?

"Alam ko yang mga tingin na iyan, Christelle. Go ask me anything, I'll answer," turan ni mama nang makita niya akong hindi umiimik at nakakunot lang yung noo.

Marami akong gustong tanungin. Sinubukan kong magsalita pero naiwan lamang na nakabukas yung bibig ko dahilan para matawa si mama.

Hindi ko alam paano uumpisahan, naghahalo-halo lahat ngayon sa utak ko.

"J-just... Tell me everything," I almost whispered which made her heave a sigh.

"Ok then, I'll tell you the whole story," she said. Dahan-dahang humarap sa akin si mama dahilan para kabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon, para akong natatakot na malaman yung katotohanan.

Pero kailangan ko ito.

My mother patted my head first before starting her story. I smiled at her awkwardly to show that I'm listening to everything that she will say.

"Your father and I were inseparable since we were kids. Kung saan siya nag-aral, nandoon din ako," pag-uumpisa niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong relasyon mayroon sila ng totoo kong tatay.

Mag-bestfriend din kaya sila gaya namin nina Sam? Mag-ex? Hindi ko alam!

Umupo ako nang maayos para maipakitang interesado akong nakikinig sa kaniya.

"Noong high school kami, we met your biological mother. Naging best friend ko siya and your father was head over heels with her. They became lovers and tumagal sila hanggang college," pagpapatuloy pa niya. Her eyes were glimmering while telling those words na para bang inaalala niya yung mga panahon na iyon.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon