Chapter 26

73 42 12
                                    

C H R I S T E L L E

"Ate naman eh!" Reklamo ko habang nagmamadaling nilalagay yung snacks na binili ni mama kahapon para sa trip ngayon.

"Kasalanan ko bang tulog mantika ka!?" Natatarantang bulyaw naman ni Ate Christine. Tinutulungan niya ako ngayon maghanda ng mga gamit ko.

Na-late ako ng gising kasi hindi tumunog yung alarm ko. 5:00 am yung assembly time namin, nagising ako nang 4:35 am. Yung kapatid ko naman, kanina pang alas-kuwatro nagising pero hindi niya naisipang gisingin ako. Akala niya raw kanina pa akong alas-tres bumangon.

"Kapag walang ganap sa school, lagi mo akong ginigising nang maaga tapos ngayon hindi mo man lang naisipan," saad ko pa sa kaniya. Tumingin ako sa orasan, quarter to five na.

Saglit na natahimik si ate kaya tinignan ko naman siya, himala hindi siya sumagot sa akin.

Paglapit ko sa kaniya, nakita ko siyang may tinitignan sa labas ng bahay.

"Parang pamilyar yung kotse," bulong ng kapatid ko kaya nakisilip ako.

"Bakit? Sino-a-aray!" I exclaimed nang bigla niya akong tinulak palabas at inabot yung bag ko.

"Oh ayan, hindi ka na late. Goodbye my dear sister!" Natatawang sagot ni ate at sinara na yung pinto. Buti nalang, nakapagbihis na ako bago pa maghanda ng mga dadalhin.

Dahan-dahan akong lumabas ng gate at doon ko nakita na may kotseng naka-parada.

"Christelle!" Agad na nanlaki yung mga mata ko nang bumaba yung bintana nito at iniluwa yung nakangiting mukha ni Brent. Tumakbo ako papunta rito at nagtataka siyang tinignan.

"Bakit ka nandito? Sino mga kasama mo?" Tanong ko sa kaniya habang sinisilip yung loob ng sasakyan.

"Us!" Nagulat naman ako nang bumukas yung pinto. Nandoon sina Hannah, Allyza, Sam, Brent, at Brylle.

Si Brylle yung driver at katabi niya si Sam. Magkakatabi naman yung tatlo sa likod.

Magsasalita palang sana ako nang hilahin ako ni Brent papasok sa loob. Ang liit lang ng sasakyan, paano kami nagkasya lahat!?

"Bakit nandito kayo? Tayo?" Tanong ko sa kanila nang mag-umpisa nang umandar yung sasakyan.

"Na-late ako ng gising," kaswal na sagot ni Sam.

"Nagpasundo sa akin si Sam, ang tagal niya kumilos kaya nadamay ako. He said he's already done packing everything and was ready to go. I got scammed, hindi pa pala nakaligo yung kupal pagdating ko," paliwanag naman ni Hannah.

"Matagal si Brylle kumilos," agad na sabi ni Brent nang tignan ko siya.

"What? You're the one who's late, not me," sagot ni Brylle habang nagmamaneho.

"Nilaglag!" Sam exclaimed which made us laugh.

"Ikaw Allyza?" Tanong ko kay Allyza na busy lang mag-cellphone.

"Huh? Ah, hindi talaga ako late. Ma'am just told me kanina sa bus na samahan sila Brent," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon