Chapter 22

85 43 17
                                        

C H R I S T E L L E

"Good morning! I'm Hailey Yvonna Lim, you can call me Ynna for short," pagpapakilala nito bago nagtungo sa bakanteng upuan malapit sa akin.

"Hi," magiliw niyang bati sa akin, nag-aalangan ko naman siyang nilingon bago ngumiti nang pilit at agad na itinuon yung atensyon sa bolpen na hawak ko.

I don't know why but I feel bothered by her presence. Siguro dahil 'yun sa ex-girlfriend siya ng kaibigan ko.

Natapos buong morning shift namin nang naiilang ako sa presensya ni Ynna. Bakit siya nandito? Bakit kahit na transferee siya't late enrollee, she's still in the pilot section? Nakapagtataka lang.

Alam kaya ito ni Sam? Kaya ba hindi siya mapakali kahapon kasi alam niyang nag-transfer dito ex-girlfriend niya?

"Christelle," agad akong napakurap nang mapansin ang malapit na mukha ni Allyza sa akin. Dali-dali naman akong lumayo dahil doon.

I'm spacing out again— I guess.

"Kanina ka pa tulala Christelle. Tara na, punta na tayo sa canteen. Kanina pa tumunog yung bell, mukhang wala ka pa ring balak kumilos," pag-aaya sa akin ni Allyza at hinila na ako patayo sa kinauupuan. Andoon din pala si Brent sa may pinto't mukhang inaantay kami.

Nang makalabas kami ng room, bigla akong napaatras nang may babaeng sumulpot sa harap namin at mabilis na kumapit sa braso ni Brent.

"Hi Brent! It's been a while since we guys hang out with each other. Na-miss ko kayo," nakangiting turan ni Ynna pero halatang hindi natutuwa si Brent. Nakakunot kasi yung noo.

"Do I know you?" Sagot nito kay Ynna. Hindi maipinta yung mukha ng isa dahil sa asal na ipinakita ni Brent.

"Come on Brent, we're bestfriends noon pa. Stop acting like I'm a complete stranger to you," aniya pero tinanggal lang ni Brent yung kamay nito sa braso niya.

Hindi na siya pinansin pa ni Brent at naglakad na ito papalayo. Sumunod naman kami ni Allyza.

"You're kinda rude Brent," puna ni Allyza habang magkakasama kaming naglalakad patungong canteen.

Ngumiti naman si Brent bago inilagay yung dalawang braso sa likod ng batok niya at preskong naglakad.

"Deserve niya 'yun. Gumanti lang ako," nakangising turan niya dahilan para batukan siya ni Allyza.

"Ano ba ginawa niya sayo?" Tanong ko rito.

"Wala naman, she's just a total b*tch," kaswal niyang sagot.

"Huh? She looks pure, sweet, and innocent naman ah?" Tanong ni Allyza.

"That's just a facade," tugon naman ni Brent.

"She looks nice for me," pag-singit ko sa dalawa.

"Pero you're bothered with her presence. Am I right?" Nagulat naman ako sa isinagot ni Brent sa akin. Paano niya nalaman?

"Bahala kayo. I already warned you guys, mag-ingat kayo sa kaniya," ani Brent bago umalis at nagtungo sa table nila nina Sam at ng iba pa niyang mga kaibigan.

A Hiccup Of Tea (✔)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon