Chapter 3

175 61 44
                                    

C H R I S T E L L E

Shit.

Namatay bigla yung mga ilaw gagi ang dilim. Wala akong makita.

"May tao ba diyan?" I froze when I heard a manly voice near me. Hala, bakit may lalaki?

Hindi ako gumalaw, ultimo paghinga ko kontrolado. I tried my best to snuck out in this place. Halos gumapang na ako ng dahan-dahan para lang makalabas dito.

Natatakot ako na nahihiya. Feel ko maling dressing room napasukan ko, yawa! Baka may kung anong gawin sa akin ng lalaki na ito dito lalo na't kaming dalawa lang ata nandito sa loob.

Akmang hahawakan ko na yung door knob nang biglang may humila sa wrist ko at trinap ako sa mga braso niya, naka-pin ako ngayon sa pader sh*t. My heart started to beat wildly. OMG, anong gagawin niya sa akin?

"Don't shout," he whispered which made me shiver. Gusto ko siyang tignan sa mukha pero natatakot ako. Baka sunggaban ako bigla o ano. Yawa naman oh!

"Why are you here?" He asked. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Gusto ko magsalita pero pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Bakit naman kasi niya kailangang i-lock sa mga braso niya? Sipain ko na ba precious hotdog niya bago pa siya may gawing masama sa akin?

"A-ano... Ano kasi... Uhm..."

Why the hell am I stuttering?!

"Aren't you aware that nonathletes are prohibited in here?" He asked. Medyo pamilyar boses niya pero hindi ko pa rin makilala. Sobrang dilim kasi ng paligid at nataon pang nahulog kanina salamin ko. Badtrip naman!

Napalunok ako nang ilang beses dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko; dahil siguro sa kaba.

Agad na nanlaki yung mga mata ko nang unti-unti kong naramdaman yung init ng hininga niya. Papalapit siya sa akin!

Bago pa man niya magawa yung gagawin niyang paghalik, mabilis ko siyang tinulak at agad na binuksan yung main switch.

Dinampot ko kaagad yung salamin ko at nang maisuot na ito, halos malaglag panga ko nang makita kung sino siya.

"IKAW?!"

"YOU?!"

Sabay naming bulyaw sa isa't-isa. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko. Hindi dahil sa inis bagkus dahil sa galit.

"Wow! Nagsusuot ka pala ng salamin?" He asked which made me roll my eyes.

"Obvious ba?" Masungit kong turan kay Brylle.

"Oh? Nagsasalita ka pala," puna nanaman niya. Parang tanga naman 'to.

Hindi ko nalang siya sinagot at lumabas na ng pinto. Agad din akong napahinto nang maalala ang nangyari kanina.

Namatay bigla yung ilaw, lumapit siya sa akin, muntik na niya akong halikan, nagkasaguta-

MUNTIK NA NIYA AKONG HALIKAN!?

Halos mapa-sign of the cross ako nang biglang nag-flashback sa utak ko yung pakiramdam ng hininga niya malapit sa mukha ko.

"Ano pang ginagawa mo riyan?"

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon