C H R I S T E L L E
"OMG Christelle! Hindi ka pa rin talaga nagbabago ano? Dati rin nung schoolmates pa tayo, madalas ka ring nagmamadaling mag-ayos ng sarili bago pumasok," natatawang turan ni Hannah habang nag-aalmusal sa hapag at pinapanood akong magmadali dahil ilang minute nalang, iiwanan na ako nila kuya at kung mangyari man iyon, siguradong mahuhuli ako sa klase.
"Christelle, aalis na kami," narinig kong turan ni kuya kaya mas binilisan ko ang pag-nguya ng pandesal at halos mapaso pa yung dila ko ng kape nang bigla ko itong inumin.
"Una na ako Hannah," pagpapaalam ko rito nang matapos akong kumain. I kissed her cheek, ganoon din si mama at kumaripas na ng takbo patungo kila kuya. Kanina pa sila ni ate nasa sasakyan, hinihintay ako.
"Ayan, girl's night pa kayong nalalaman kagabi huh?" Turan ni kuya at nag-umpisa nang magmaneho. Kapwa naman kaming natawa ni ate. Pati rin kasi si ate, na-late ng gising, nauna lang siyang makapaghanda sa akin kaya nauna siya sa sasakyan.
Nang marating namin ang campus ay naghiwalay na rin kami ni ate ng daan patungo sa kaniya-kaniyang mga building.
Pagkatapak ko palang sa pasilyo ng Senior High School building, isang nakakabinging sigaw ang sumalubong sa akin—nanggagalaiting sigaw.
Annie pounced on me which made us both fall on the floor. I tried to push her off me pero mas malakas yung force na nilalabas niya sa akin.
"I told you yesterday, you're dead," nakangising turan ni Annie sa akin. She was about to attack me again when someone suddenly pulled her off me. Napasalampak siya bigla sa sahig.
Napatingin ako sa paligid namin, maraming estudyanteng nanonood sa amin ngayon. Nang tignan ko kung sino yung humila kay Annie, my eyes widened when I saw my sister glaring at her. Anong ginagawa niya rito?
"Who gave you the rights to hurt her?" Matapang na tugon ni ate. Sa tabi niya ay yung mga ka-blockmates niyang masama rin ang tingin kay Annie.
"W-what? Are you insane? Who gave you the rights to question me?" Sagot naman ni Annie. Napataas naman ng kilay yung kapatid ko.
"I'm her sister, I have the rights to question you about your actions towards her. Also, bullying is against our school rules and regulations," tugon ni ate. Tumayo naman ako at hinila na palayo si ate kaso mukhang ayaw magpatinag.
Magsasalita palang sana si Annie nang biglang dumating yung student council vice president base sa malaking identification card na suot niya.
"Woah! Anong mayroon?" Tanong nito sa amin. Sinabi naman ni ate kung ano yung concern niya, napairap naman si Annie.
"That girl started the fight to be honest," turo ni Annie sa akin na siya namang ikinakunot ng noo ko.
"What? Kapapasok ko palang nun tapos bigla mo akong dinambahan," pag-depensa ko para sa sarili ko. Naka-drugs ba 'to?
"Yeah, I pounced on you because I hate you. Your face sucks and you hit my nerves yesterday at the mall. I was humiliated!" Halos mag-hysterical na siya habang pinapaliwanag sa lahat kung bakit niya ako sinugod.
"You're the one who humiliated yourself Annaliese, not Christelle," saad ng kung sino mula sa likuran. Agad namang nahati ang crowd at doon sumulpot sila Brylle at Sam kasama ang ilan pang mga volleyball player. Halatang galing sila sa practice dahil sa bitbit nitong mga sports bag at towels.
"What? Are you insane Samuel?! Kahapon mo pa kinakampihan yan," Naiinis na saad ni Annie na nginisihan naman ni Sam.
"As I should. Why would I let someone hurt my bestfriend? I'm not as selfish and dumb as you," tugon nito dahilan para mapikon nanaman si Annie at mag-walkout kasama mga alipores niya.
"You'll pay for this, witch," narinig ko pang saad niya bago umalis.
"Are you alright?" Sabay na tanong ni Ate Tine at Sam. Tumango naman ako sa kanila.
"Grabe mga bata ngayon!" Reklamo ni ate. Sinabihan ko naman siya na hayaan nalang. Magsasalita pa sana siya pero tinignan ko siya nang may pagbabanta. Sa oras kasi na gantihan pa lalo sila Annie, lalo nilang itutuon yung atensyon nila sa akin at ayoko nun.
"Sorry," narinig ko usal ni Sam kaya nagtataka ko siyang tinignan.
"Saan?" Tanong ko rito.
"Kung hindi sana kita sinama kahapon sa gala naming at kung hindi ko pinikon si Annie, malabong gawin niya ito sayo ngayon," aniya. Ito rin iniisip ko kahapon pero hinayaan ko nalang. Nangyari na rin naman na eh, wala na akong magagawa.
"Ayos lang ano ka ba! Thank you," sabi ko rito na ikinagulat naman niya.
"Woah, hindi ka na masungit sa akin ah?" Puna nito.
"Ah, sige cold treatment ka ulit sa akin Samuel Aiden," turan ko rito na siya namang ikinatawa niya.
Napunta naman kay ate yung atensyon ko na kausap ngayon si Miss Vice President. Tumingin naman sila sa akin nang mapansing nasa kanila na ang atensyon ko.
"Would you like to report this incident miss?" She asked. Umiling naman ako.
"Ayoko na palalain pa yung gulo. If that happens again, maybe... Just maybe, I'll report it immediately to you Miss... Uh?" I said, obviously asking her name.
"Misty. Just call me Misty. Sorry kung hindi niyo ako ganoon ka-kilala kahit na part ako ng student council. Newly appointed lang kasi ako eh after mag-transfer ng supposed—"
"No need to explain po Miss Misty. We understand. Thank you rin," nakangiting pagpuputol ni Sam sa kaniya. Ngumiti naman ito sa amin at nagpaalam na. Nagsabi rin siya na ipapaalam niya sa president ang nangyari sapagkat responsibilidad din nilang makialam at ayusin ang mga isyu sa pagitan ng mga estudyante rito sa paaralan.
Siniguro muna ni Ate Tine yung kalagayan ko bago bumalik sa building nila. Mag-uumpisa na rin kasi yung klase niya, baka ma-late pa sila ng mga kaibigan niya.
Kwinento niya rin sa akin yung dahilan kung bakit nakita niya yung ginagawa sa akin ni Annie kanina. Nagpasama raw kasi yung isa sa mga kaibigan niya na pumunta sa faculty ng SHS teachers kasi may pupuntahan daw na kamag-anak which is technically, SHS teacher dito. Pabalik na raw sana sila sa building ng course nila nang makitang nagkakagulo yung mga students. Nang maki-usyoso raw sila, nagulat si ate na nakasalampak ako sa sahig, inaatake ng kung sinong heredera kaya nakisali na raw siya.
Huwag daw kami mag-alala ni Samuel sa kanila ng mga blockmates niya kasi hindi naman daw sila maapektuhan ng nangyari rito lalo na't nakausap na rin niya si Misty tungkol sa paghahandle ng nangyari. My sister is the best.
Hinatid din ako ni Sam sa classroom ko para raw masiguradong ligtas ako sa mga bigla-biglang atake ni Annie. Tawang-tawa nga ako eh, para siyang backstabber dahil sa mga kwento niyang nakakatawa't nakakahiya tungkol kay Annie. Sila Brylle naman na kaninang kasama ni Sam, nauna na sa practice nila. Sinabihan nalang niya na humabol nalang si Sam.
Pagdating ko sa classroom, maraming mata ang nakatingin sa akin ngayon. Marahil, nabalitaan na nila yung tungkol sa nangyari sa amin kanina niña Annie. Bakas sa mukha nila ang kuryosidad tungkol sa pinaka-ugat ng pangyayari pero mukhang wala silang balak na tanungin ako, never din naman kasi akong nakipag-usap sa kanila.
"Are you alright?" Tanong ng classroom president naming. Tumango naman ako sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin bago bumalik sa upuan niya.
"She's so sweet," narinig kong bulong ni Brent habang nakatingin kay Allyza. I let out a small chuckle, it looks like he has a crush on her.
Napabuntong hininga naman ako nang maalala ulit yung nangyari kanina. Batid kong babalik-balikan ako ni Annie hanggang sa magsawa siya.
Kailangan kong mag-handa para kahit papaano, madepensahan ko yung sarili ko sa kaniya at sa mga taong kakakagat sa bitag niya para targetin din ako ng pambubulas.
Hays! Ngayon palang, natatakot na ako sa pwede nilang gawin, nakakainis!
***
<3
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Fiksi RemajaWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...