Chapter 5

103 57 21
                                    

C H R I S T E L L E

"Christelleeee! Shuta!" Isang nakakabinging tili ang bumungad sa akin paglabas ko ng kuwarto ko. I glanced at my sister who plainly look stupid.

She's still wearing her pajamas habang hawak yung isang tsinelas niya sa kanang kamay. Para siyang ewan na nagtatatalon.

"Problema mo?" I asked.

"May ipis na lumilipad sa kuwarto ko! Patayin mo please," I rolled my eyes after hearing her statements. Sa aming magkakapatid kasi, si ate yung takot na takot sa ipis. Para namang kakainin siya nun.

Kinuha ko sa kamay niya yung tsinelas at naglakad patungo sa kuwarto niya. Napako agad yung tingin ko sa lamesa niya na may mga basura ng chocolates. Tsk! Kaya iniipis 'to eh.

"Ate napakaarte mo sa katawan pero napakadugyot mo sa kuwarto mo," puna ko habang hinahanap yung sinasabi niyang ipis na lumilipad. Wala naman eh.

"Heh! Kahapon lang naman yang mga chocolates na yan. Nag-binge watching kasi ako. Nakatulugan ko lang," depensa niya.

"Wala namang ipis eh," sabi ko sa kaniya at inabot yung tsinelas niya. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang bigla nanaman niya akong hilahin papasok.

"Ayun! Christelle nag-eexhibition! Please patayin mo na. MAMA!" Nagtatalon nanaman siya sa tabi ko. Pagtingin ko sa tinuturo niya, isang maliit na ipis lang pala. Mas maliit pa nga ata 'to sa hinlalaki ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa ipis na nasa pader niya at agad na hinampas ng tsinelas. Kumuha naman ako ng plastic at dinampot iyon. Yung sungay yung hawak-hawak ko ngayon.

"Don't you dare," pagbabanta ni ate nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya habang hawak yung ipis.

Humagalpak naman ako ng tawa at hinagis iyon sa kaniya dahilan para murahin niya ako't magtatalon pababa patungo siguro sa sala.

Tawa ako nang tawa pagkababa ko. Isang matalim naman na tingin ang isinalubong sa akin ni ate. Binelatan ko nalang siya at nagtungo na sa CR para linisin ang sarili.

Pagkatapos ay sinaluhan ko na sila mama para mag-almusal.

"Telle anak, bilisan mo na dyan at aalis ka na para kunin yung dress," ani mama habang umiinom ng kape.

"Opo mama," tugon ko rito. Binilisan ko nalang ang pagkain at nag-ayos na ng sarili para magtungo sa mall. Isang pair of jeans lang suot ko at basic printed tee lang sa pang-itaas. As simple as that, hindi naman date ang pupuntahan ko.

"Ma! Alis na po ako!" Pagpapaalam ko pagkababa.

"SIge, ingat. Bye!" Sabi naman ni mama na kasalukuyang nagbabasa ng isang magasin sa sala.

Tinitigan ko lang siya.

"Why baby? May problem ba?" She asked.

"Ma, wala ka pa pong inaabot na pera," sabi ko. Binigyan niya naman ako ng 100 pesos. Luh?

"Ma, kulang pa po," sabi ko ulit. 

"Pineperahan mo ba ako?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Mama naman eh," tugon ko dito na siyang ikinatawa niya. Dinagdagan niya yung 100 pesos na inabot nya at ginawang 10k pesos para mabayaran na rin yung mga inorder na damit.

I bid my goodbye and stormed off the house. Pagkatapos ko talaga rito sa mall, matutulog agad ako sa bahay.

Matapos ang ilang oras na biyahe sa jeep dahil sa traffic, sa wakas! Nakarating na rin ako sa paroroonan. Grabe, ang hassle.

Pagpasok ko ng mall, isang matangkad na moreno ang bumungad sa akin. To be honest may itsura siya pero ang creepy pa rin. Bigla ba naman akong harangin.

"Hello po, may problema po ba?" I politely asked. Nung wala siyang itinugon ay nag-excuse nalang ako at naglakad nalang ulit palayo pero humarang ulit siya.

"Sorry miss, I was buffering a while ago. I just can't believe na I already found you," he said which made me crease my forehead.

"Huh? Found me? Teka po, sino ka ba?" I asked

"Your soulmate," halos mabilaukan ako ng sariling laway dahil sa sinabi niya.

"Naka-drugs ka ba?" I sarcastically said.

"No. Can we date?" Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Excuse me lang po ah? Kung may gusto kang pagtripan, huwag nalang po ako please. May-"

"Babe, are you okay?" Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin.

Babe?

I turned my gaze at him and to my horror, it was Brylle! Napatingin ako sa likod niya at kasama niya si Sam at Denver.

"O-oh? May boyfriend ka pala?" The guy a while ago asked.

"Yeah dude so stop pestering my girl. She's mine," tugon naman ni Brylle.

"Hindi ako naniniwala. I know you, you're a varsity player at minsan na kitang nakalaban sa mga volleyball championships-"

Kasabay ng paghinto ng lalaki sa pagsasalita ay ang paglaki ng mga mata ko.

"There dude. Happy?" Saad naman ni Brylle.

He kissed me. 

I mean, sa forehead lang naman pero nakakabigla!

"Bro, I know na dahil lang sa pustahan kaya mo nilapitan kaibigan ko. I was at the restroom when I heard your chitchats. You messed with the wrong lady so back-off," singit naman ni Sam. Naiinis na umalis naman yung lalaki.

"Are you okay?" Tanong ni Sam sa akin pero nanatili lang akong tahimik.

Hindi pa rin naproprocess ng sistema ko yung ginawa ni Brylle. G*go ba siya?

Sino ba siya para halikan ako?!

"She looks traumatized," Denver said and chuckled.

"Sorry about the kiss. I was just trying to-"

"I don't need your help," pagputol ko sa sinasabi niya and gritted my teeth.

"Woah easy. I didn't said na I was trying to help. We interfered para makaganti sa lalaking yun. Ang assuming mo naman," he said and laughed.

"Ano?" I asked again for clarification.

"I said, I used you. Tignan mo, he looked so pissed. Nakalaban namin yung sa volleyball dati. I hate his guts kasi mayabang that's why I grab the chance to piss him off this time," natatawang saad ni Brylle which made me mad.

Fuming mad. Feel ko mas mapula pa ako sa isang beet red soup.

"Mukha ba akong laruan para gamitin mo at idamay sa mga kalokohan?" I asked him which made him stop.

"Huwag ka magalit diyan. Atleast, tinigilan ka na din niya. It's a win-win situation to be honest," inerapan ko nalang siya nang marealize kong may point nga.

Naglakad nalang ako paalis sa kanila. Grabe talaga mga lalaki. Akala mo laro lang sa kanila lahat.

Kailan kaya sila magseseryoso? Parang mga ewan!

Nagtungo nalang ako sa shop ni tita. Gusto ko nang umuwi! Sana hindi na ulit mag-krus landas namin ng mga mayayabang na iyon.

***
<3



A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon