Chapter 12

88 57 13
                                    


C H R I S T E L L E

"Class! Attention please!" Agad na napako ang atensyon naming lahat kay Allyza nang bigla itong tumayo sa harap ng klase at pumalakpak.

Today is Monday. Lumipas lang yung buong week ko noong nakaraan kasama yung mga bago kong kaibigan. Mostly tungkol sa academics lang naman mga topic namin kapag nagkikita-kita kami. Madalas ding wala si Brent, mas pinipili niya rin kasing samahan sina Brylle. Siyempre, best friends niya yung mga 'yun eh.

"Pst! Hey, Janine! Mind sharing your chitchats here in front of our class?" Tawag ni Allyza sa isa sa mga kaklase namin, busy kasi makipagdaldalan sa katabi niya.

Nang masiguro nang nakuha ni Allyza ang atensyon ng lahat ay bumuntong hininga muna siya bago mag-announce.

"According to the memo, there are no classes next week, starting on Monday," aniya. Akmang magce-celebrate na sana mga kaklase ko nang patigilin niya ang mga ito sa pamamagitan lamang ng pagtaas niya ng isang kamay.

Grabe, kaya hindi ko inakala na may quirky and sweet side si Allyza. Ganito kasi siya ka-strikto kapag school related, damang-dama mo kaagad yung awtoridad!

"Hindi porket sinabing walang klase next week ay hindi na kayo papasok. There are no classes BUT!- but there's an attendance. Binigyan kasi tayo ng mga teachers natin na magplano para sa gagawing booth ng section natin this coming foundation day. A week is enough daw so please guys, all of us must cooperate to our plans next week. That's all, thank you. Sana naunawaan ninyo," aniya at bumalik na sa upuan niya.

Bumalik na sa kaniya-kaniyang ginagawa yung mga kaklase ko, yung iba ay pinag-usapan na rin ang tungkol sa mga gagawin nila sa foundation day.

I heaved a sigh. Sana all may plano. Sana all may kasama. Paniguradong mag-isa nanaman ako niyan eh.

"Hey, Telle. Sabay ka daw ba sa lunch namin mamaya kasama si Sam?" Napalingon ako kay Brent nang bigla niyang hinatak yung upuan niya sa harap ko. Agad naman akong umiling sa offer niya. Tumango naman siya at ngumiti sa akin bago nakipagdaldalan sa iba pa naming mga kaklase.

Napaisip ako bigla, now that I have friends, mag-isa pa rin ba ako ngayong foundation day?

Napangiti ako dahil doon. Bahala na, andito na rin naman na pala si Hannah. Nasanay lang siguro ako dahil sa mga nakaraang foundation day kaya naisip ko iyon.

~*~

Breaktime na namin at kasalukuyang nasa library ako. Wala kasi ngayon si Hannah, busy mag-asikaso ng mga papeles niya dahil bagong lipat lang siya rito sa school.

May meeting naman sa Student Council sina Misty at Allyza. Pareho silang executives doon eh.

Si Sam at Brent naman, kasama yung iba pa nilang mga barkada.

Ako lang tuloy naiwan ngayon mag-isa. Wala rin namang kaso iyon sa akin, baka makita ko lang din sa cafeteria ng school si Annie at bigla akong sugurin.

"Christelle,"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumapik sa mga braso ko. Nasaway pa kami ng librarian dahil doon.

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Ate Tine. Siya pala yung tumapik sa akin. Sarap sabunutan.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya dahilan para itaas niya yung paper bag na hawak.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon