C H R I S T E L L E
"Christelle!"
I flinched when Misty suddenly jumped onto me. Para siyang unggoy na sumabit sa leeg ko.
"Hoy! Nasasakal na siya!" Pananaway ni Brent sa kaniya dahilan para bumitaw sa akin yung isa. Natawa naman si Fritzy sa ginawa ng kambal niya bago lumapit sa akin at yakapin ako.
It's been three days since the incident between me, Brylle, Ynna, and Denver happened. Sa tatlong araw na iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang maglinis at magpahinga sa bahay ni Allyza. Umabot pa nga sa puntong inakala nina Hannah na may binabayarang taga-linis si Allyza nung bumisita siya sa amin kahapon.
Sa tatlong araw na pag-absent ko, marami na akong na-miss. Good thing Allyza told our teachers that I'm not feeling well that's why I'm unable to present myself in class.
Mabuti nalang din at hindi ako sininok sa dahilan niya na iyon, totoo rin naman kasing hindi maganda pakiramdam ko. Para ba namang binaliktad bigla mundo ko, sinong hindi mawawalan ng gana sa lahat doon?
"Libre raw ngayon ni Samuel yung desserts!" Bungad ng bagong dating na si Hannah dahilan para samaan siya ng tingin ni Sam.
Nandito kami ngayon sa canteen, lunch time na kasi. Magkakasama kaming lahat, pati sina Hannah at Sam na kararating lang, sa isang table para kumain. Mabuti nalang talaga't mahahaba yung mga lamesa dito sa school kaya kasya kaming lahat at hindi nagsisiksikan.
Pinipilit ko yung sarili kong ‘wag nang isipin pa yung mga nangyari. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Ate Tine, napagtanto kong wala rin namang mababago kung patuloy akong magmukmok sa sulok. Nangyari na ang nangyari. Siguro, I must embrace the thorns in order to move forward and survive.
"Na-miss ko ingay mo, Telle!" Misty exclaimed dahilan para matawa ako.
"Eh, she's not noisy naman eh unlike you," nagtatakang sabat ni Allyza which made Misty make a face.
"That's the joke! Gosh naman pressy," she answered. Kumunot naman noo ni Allyza dahil sa sinabi niya which made the scenario look funnier.
"Ang corny naman ng joke mo kung ganoon," banat naman ni Brent. Tinaasan naman siya ng kilay ni Misty.
"Wait wait... I don't get it, where's the joke?" Naguguluhan pa rin si Allyza dahilan para magtawanan kaming lahat. Bumusangot naman siya dahil doon.
"She said it with a hint of sarcasm," ani Fritzy kaya parang naintindihan naman na ni Allyza.
"Grabe, tatlong araw lang naman nawala si Christelle. Bakit ganyan na kayo ka-slow at corny?" Samuel butt in which made everyone silent. Maya-maya lang ay naghagalpakan nanaman sila ng tawa.
"Sinong napahiya?" Pang-aasar ni Brent kaya binato siya ng biscuit ni Samuel. Napapatingin naman sa amin yung ilang mga estudyante kaya I tried to calm everyone down while laughing.
Akala ko, hindi ko na mararanasan ulit ito. Good thing I have them. I didn't lost them during the time that I almost lose myself.
I missed this.
"Malapit na mag-bell. Tinatamad pa akong pumasok," nakabunsangot na sambit ni Brent habang nakatingin sa relo niya.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Fiksi RemajaWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...