Chapter 19

73 46 14
                                    

C H R I S T E L L E

Tahimik naming binabagtas ngayon yung daan patungong Guidance Office. Tapos na yung recess pero hindi ako makababalik ngayon sa room dahil dito.

There's a chance that I'll miss one of my subjects if this issue won't be settled accordingly. Worst, baka ipadala pa kami sa detention.

Ang malas ko talaga!

Pagpasok namin ng Guidance Office, agad na nireport ng teacher yung nangyari. Nang tinawag na kami ng guidance counselor, biglang hinatak ni Annie yung uniform ko papalapit sa kaniya.

"I'll make your life miserable. Mark my words," pagbabanta nito at iniwan na ako. Hindi ko nalang pinansin iyon.

Matagal na niyang ginawang miserable yung buhay ko, bakit pa ako matatakot sa banta niya?

"Oh! Miss Chua? I didn't expect you to be part of this mess," bungad sa akin ng guidance counselor nang makita niya ako. Napayuko nalang ako.

"You have clean records since Junior High School. May I know what happened?" Tanong nito sa amin. Palihim namang napairap si Annie dahil doon.

Akmang magpapaliwanag na ako nang biglang nagsalita si Annie.

"As you can see ma'am, she attacked me first. I don't know why but she suddenly pounced on me. Natapon ko accidentally juice ko sa kaniya dahil doon," mangiyak-ngiyak niyang pagpapaliwanag. Agad namang nanlaki yung mga mata ko dahil doon.

"Is that true, Miss Chua?" Tanong ng guidance counselor. Tinignan ko si Annie na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

"No ma'am," I answered honestly.

"Liar!" Annie shouted. Napailing nalang tuloy yung guidance counselor sa amin.

"I'm telling the truth ma'am," I said firmly.

Napabuntong hininga naman yung guidance counselor at mariin kaming tinignan.

I smiled at her sweetly before dropping the words that might help her decide.

"I'm not hiccuping ma'am. I hope you will consider," saad ko rito dahilan para magliwanag yung mukha niya.

Maliban sa pamilya at piling mga kaibigan, alam ng mga teachers dito sa school yung tungkol sa kondisyon ko. Nasa medical records ko kasi iyon.

Sigurado rin akong alam ng guidance counselor namin yung tungkol dito. She once trained me years ago for an E.S.P. related quiz bee. I told her about my condition during our trainings.

"Oh right, I almost forgot. Tell me the truth, Miss Chua," bakas ang pagtataka't pagkairita sa mukha ni Annie nang matapos sabihin iyon ni ma'am.

"Wait, what?" Hindi makapaniwalang pagsingit nito.

"Naniniwala ka po sa kaniya?" Dugtong pa nito.

"I want to hear both sides of the story. Let her explain," our guidance counselor answered.

"Why do you need to hear her story ma'am? I'm the victim here, not her," Annie said furiously.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon