C H R I S T E L L E
"Ynna..."
"Sino ba yun?" Hindi ko na napigilang tanungin si Sam nang banggitin niya yung pangalang iyon.
I guess, pangalan iyon ng babae kanina.
"Wala," tanging sagot niya at ibinaling na sa iba yung atensyon pero pinitik bigla ni Hannah noo niya.
"Aray!" Reklamo nito at agad na sinamaan ng tingin yung pinsan ko.
"Stop lying," naiinis na sambit ni Hannah at umupo nang maayos sa upuan niya.
Nabaling yung atensyon namin sa crew na nag-alok ng tubig sa table namin, agad naman akong kumuha at nagpasalamat kasi mukhang wala sa mood yung dalawang kasama ko ngayon.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan, humarap sa amin si Sam at huminga muna nang malalim bago nagsalita.
"She's my ex," pag-amin ng kaibigan namin.
"Your what?!" Halos maibuga ko na yung iniinom kong tubig dahil sa gulat. Bigla ba namang sumigaw si Hannah.
"My ex. She's not worth the topic kaya huwag na natin pag-usapan. Nagugutom na ako, order na tayo," ani Samuel at nagtawag na ng waiter para umorder.
"Taray, parang restaurant din pala itong fast foods chain na napasukan namin," mahina kong bulong pero narinig pa rin iyon ng dalawa kaya nagtawanan kami.
Nakinig kami ni Hannah sa sinabi ni Sam na huwag pag-usapan. Baka masira lang mood niya buong araw, kaming dalawa lang tuloy masisisi.
If he's not ready and comfortable to talk about that topic, then we will respect his decision. We're friends after all.
Hindi na namin muling pinansin pa yung Ynna na nandito lang din sa loob ng fast food chain na ito. Kung ano-ano nalang pinag-usapan naming tatlo para hindi maging awkward yung atmosphere naming lahat.
Sa katunayan nga, sobrang ingay namin. Pakiramdam ko naririndi na yung ibang kumakain kaya minsan, sinasaway ko yung dalawa.
"Nga pala, naaalala mo pa ba si Andy?" Tanong bigla ni Sam kay Hannah. Tumango naman yung pinsan ko bilang tugon habang kumakain ng spaghetti.
"Nagpakita na siya kay Christelle," nabilaukan ako bigla sa kinakain kong hamburger dahil sa sinabi ni Sam.
Hala! Bakit papunta na sa akin yung topic?
"Really? Diba, he had a crush on her when we were little?" Tanong ni Hannah. Nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Mayroon?" Tanong ko pero tinawanan lang ako ng dalawa.
"I don't know, feel ko lang," natatawang sagot ni Hannah at kumain muli sa spaghetti niya.
"Mema ka talaga," iyon nalang yung nasabi ko sa kanila kaya nagtawanan ulit kami.
Buti nalang kilala ko sobra yung pinsan ko kasi kung hindi, maniniwala na ako sa sinabi niya.
Halata rin naman kasing nagbibiro siya. Si Hannah pa ba? Nabuhay lang ata yan siya para asarin ako for life eh, joke.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Teen FictionWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...