Chapter 11

104 54 21
                                    

C H R I S T E L L E

"This is the wrong link, Brent," halos mabatukan ni Allyza si Brent nang kumuha nanaman ito ng maling link sa internet.

Kasalakuyan kaming narito ngayon nina Allyza sa bahay ni Brent para tapusin yung case study namin. Wala na sana kaming balak magkita-kita para rito kasi kaya naman itong gawin sa kaniya-kaniyang mga bahay at ipasa nalang kay Allyza yung file namin kaso itong si Brent, puro palusot na hindi niya magagawa that's why we decided to finish it here in his house para wala na siyang lusot.

Obvious namang online games muna inaatupag niya bago itong case study namin eh. Naabutan pa nga naming naglalaro ng Valorant kanina nang dumating kami rito.

"Anong link ba kasi tinutukoy mo?" Medyo naiinis na tanong ni Brent kaya napairap naman si Allyza. Nanatili naman akong tahimik sa tabi nila, wala naman din kasi akong masasabi sa kanila. Ayoko rin makipagdaldalan, hindi ako sanay sa ganoon maliban nalang kung si Hannah at Sam kaharap ko.

Lumipas pa ng ilang minuto ang pagtatalo ng dalawa. Hanggang ngayon kasi, mali-maling link nahahanap ni Brent na tutugma sa study namin. Hindi niya siguro binabasa nang maayos kaya ganoon. Natatawa nalang ako minsan kapag nakikita kong sinasabunutan siya ni Allyza dahil sa inis nito sa kaniya.

"N-no, Allyza! Don't click that-"

Hindi na natapos ni Brent yung sasabihin niya dahil sa gulat na sigaw ni Allyza at pinaghahampas siya. Dala ng kuryosidad ay sinilip ko ang ginagawa nila para makita kung ano iyon at halos malaglag ang panga ko nang malaman ko kung bakit nalang ganoon ang reaksyon ni Allyza.

"You freaking pervert! Bakit hindi mo sinabi agad na iyon ang laman ng file na iyon?!" Reklamo pa rin ni Allyza habang sinasalag ni Brent yung mga hampas sa kaniya.

"Bakit mo kasi binuksan yung file?!" Reklamo pabalik ni Brent. Ako nalang ang nag-ekis ng file na iyon para mawala na sa harap namin yung bulgar na nilalaman ng mga iyon.

"Kadiri ka! Bakit ka nagse-save ng videos from adult sites?" Napatingin ako muli sa dalawang nagtatalo. It's not a big deal because Ate Tine and I sometimes saw some videos like that accidentally on our brother's laptop, but seeing Allyza's reaction, it seems she's not used to see stuffs like that on boy's things.

"Hindi sa akin iyon! Galing sa mga pinsan ko iyan, sila nanonood niyan. Hindi ako!" Pagtatalo pa rin nila kaya napailing nalang ako at tinapos na yung part ko.

Ilang oras pa ang lumipas bago namin natapos yung case study. Mukhang naka-get over na rin si Allyza sa nakita kaya hindi na muling na-open up yung tungkol doon at nakagawa na ulit kami nang dire-diretso.

Habang nagliligpit kami ng mga gamit, biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Brent kaya binuksan namin ito. Iniluwa mula roon ang isang babaeng mukhang nasa mid-40's. Nanay siguro ito ni Brent.

"Oh! Hello sweethearts! I'm sorry I wasn't around a while ago the moment you stepped your foot inside our house. By the way, I'm Brent's mom," aniya at tumawa kaya tumawa nalang din kami ni Allyza para hindi magmukhang bastos.

"Hello po tita! I'm Allyza, and this is Christelle. We're Brent's classmates," pagpapakilala nito at nag-mano kaya ginaya ko nalang din. Ngumiti naman ito sa amin at pinaupo na kami.

"Goodluck sa ginagawa niyo darlings. Just tell me if Brent isn't cooperating, okay?" Nakangiti nitong turan sa amin kaya tumango naman kami ni Allyza at bahagyang natawa.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon