C H R I S T E L L E
"Ang ingay mo, hindi siya makakapagpahinga niyan,"
"Ikaw yung maingay, hindi ako!"
"Kapag hindi pa kayong manahimik dalawa, tatapalan ko ng tape yung bunganga niyo,"
Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko dahil sa pagtatalong naririnig ko. Nang mabuksan ko ito ay mukha nina Hannah ang unang bumungad sa akin. Napatingin naman ako sa paligid nang mapansing wala ako sa sariling kwarto. Anong nangyari?
"Ayan tuloy, nagising na," gulat akong napatayo nang makita si Brent sa harap ko dahilan para mauntog ako sa higaan na nasa itaas. Double deck pala ito?
"A-aray..." Saad ko habang nakahawak sa ulo. Nakita ko namang bahagyang natawa sina Hannah. Ang sakit. Parang nagising buong diwa ko.
"B-bakit kayo nandito? Nasaan ako?" Tanong ko sa mga ito nang maka-recover mula sa pagkakauntog.
"You passed out kanina after the incident," pagsagot ni Sam sa tanong ko. Umupo naman si Allyza sa tabi ko at inabutan ako ng isang energy drink.
"Welcome to my apartment," aniya kaya muli kong pinagmasdan yung paligid. Sa apartment lang pala siya nakatira?
"Dito muna ako nakatira kasi malapit sa school. Taga Quezon Province kasi ako, malayo yung biyahe kung uuwi pa ako sa bahay," pagpapaliwanag niya nang makita yung nagtataka kong mukha.
"Salamat," mahinang sambit ko bago tanggapin yung inabot niyang energy drink.
"Dito ka muna namin dinala, baka mag-alala sila tita kapag inuwi ka naming walang malay. Umuwi na yung kambal kanina kasi sinundo na sila ng butler nila. Ganoon din yung ibang mga kaibigan nina Sam," saad ni Hannah kaya napatingin ako sa kaniya bago inilibot muli yung paningin sa paligid.
Tinignan ko kung sino yung ibang nandito, sina Sam, Allyza, Brent, at Hannah lang yung nandito. Wala na nga yung iba.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa mga ito, agad na nanlaki yung mga mata ko nang makitang alas-otso na. Tatayo na sana ako nang biglang sumakit yung ulo ko kaya pinahiga nila ako ulit.
"Don't worry Christelle, sinabihan ko na kuya mo na male-late tayo ng uwi kasi may tinatapos pa akong gawain and nagpasama ako sayo," Hannah said and gave me an assuring smile.
Nagpalipas pa kami ng ilang minuto rito sa apartment ni Allyza bago mapagdesisyunang umuwi na, si Sam na yung naghatid sa amin ni Hannah papuntang bahay dahil delikado raw kung magko-commute pa kami pareho.
"Grabe yung alala ko sayo Christelle nung bumagsak katawan mo, buti nalang hawak ka ni Brylle," sabi ni Sam habang nagmamaneho.
"Ano ba pinaka-nangyari? Wala ka ng malay pagdating ko doon sa likod ng school natin eh. Si Sam pa sumagot ng phone mo nung tumawag ako para sana tanungin kung nasaan kayo ni Allyza," tanong ni Hannah.
"Yung kalabang varsity players nina Sam, binalak kaming utusan ni Allyza para i-sabotage yung laro next week pero ayun, nakapag-sumbong pala si Allyza habang tinatakot kami. Huling naalala ko bago ako nawalan ng malay ay yung mukha nina Brylle at Sam na nakatingin sa akin," pagku-kuwento ko sa kanila.
"Dahil siguro sa takot kaya ako hinimatay. Nahirapan din ako huminga nang kaunti eh," dagdag ko pa dahilan para yakapin ako ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Teen FictionWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...