C H R I S T E L L E
"Thank you for clearing things up. Apology accepted."
I smiled after saying those words. I couldn't help but to chuckle when Hannah suddenly bursted out crying, mas malakas pa kanina.
Natawa tuloy ako at lumapit na sa kaniya.
"You're still a crybaby," I joked. She just hissed at me at niyakap ako. I missed her—them.
It'll take me time to recover from what happened but I know that they'll do everything to make things up.
I forgive them, wala na rin namang mangyayari pa kung magtatanim ako ng sama ng loob. Kaming tatlo lang din tuloy yung mahihirapan.
I'll focus on the bigger problems instead. Not this— not with them being involved.
"Thank you, Telle. Promise, babawi talaga ka—"
"ARAY!"
Naputol yung sinasabi ni Sam nang biglang bumukas yung pinto't iniluwa roon sina Brent at Allyza. Natumba pa si Brent sa sahig.
"Tanga-tanga! Look, you ruined the moment tuloy," naiinis na turan ni Allyza.
Are they... Eavesdropping?
"Sorry ha? Malay ko bang hindi pala nakasara nang maayos yung pinto," pakikipagtalo naman ni Brent.
"Eh sino ba nagsabing sumandal ka riyan? Iyan ang napapala ng mga tsismoso," sagot naman ni Allyza.
Kahit kailan talaga, aso't-pusa 'tong dalawa.
"Tapos na ba kayo?" Singit naman ni Sam dahilan para matigilan yung dalawa. Ngumiti nang alanganin si Allyza bago hinatak palabas si Brent.
"Hindi ako magtataka kung balang araw, magiging sila," natatawang saad ni Sam.
"They will be... Soon."
Sabay na napatingin sa akin sina Hannah matapos marinig yung sinabi ko. Nagkibit-balikat nalang ako sa kanila.
Ayokong unahan sila Allyza, gusto ko sila mismo magsabi sa aming lahat yung tungkol sa kanila ni Brent.
~*~
Napagdesisyunan kong magpahangin muna mag-isa sa labas matapos kausapin sila Hannah. Nahihirapan na akong iproseso mga nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.
Sunod-sunod, hindi ko na alam uunahin ko. Good move na rin siguro na nakinig ako kila Hannah kanina, atleast nabawasan mga iniisip ko.
Napadaan ako sa plaza malapit sa apartment ni Allyza, ang aliwalas pa rin talaga rito kahit maraming tao.
Tahimik akong umupo sa bench na nakita ko't pinagmasdan yung paligid, ang payapa.
"Sana ako rin, maging mapayapa na," bulong ko sa sarili.
I slowly closed my eyes when the wind brushed my skin. Tears suddenly rolled on my cheeks. Ang sakit pa rin pala, nakakainis! Lagi nalang akong umiiyak kapag naaalala ko lahat ng mga nangyari.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Dla nastolatkówWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...