Chapter 36

55 34 14
                                    

C H R I S T E L L E

"I'm sorry for lying. He's the real Andy, Christelle," Denver said while looking at the guy who's walking towards us.

Para akong na-estatwa habang pinapanood siyang maglakad papalapit sa amin. Saka ko lang din napansin na kasama niya sina Hannah at Sam na mukhang pinipigilan pa siyang pumunta rito sa amin.

"Brylle! Kumalma ka nga!" Hannah exclaimed yet he just ignored her. I heard Denver chuckled.

Brylle is... Andy. Of all people, why him?

Tears started to build up from my eyes, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon. Bakit ang dami nilang nililihim sa akin?

Napaatras ako nang biglang sugurin ni Brylle si Denver at kwinelyuhan ito. Wala namang kahit na anong emosyon ngayong pinapakita si Denver.

"What did you do?" Mariing tanong ni Brylle.

"Sinabi ko lang yung totoo," simpleng sagot ni Denver dahilan para marahas siyang bitawan ni Brylle.

Dama ko ang galit sa mga mata't kilos ni Brylle dahil sa ginawa ni Denver. Hindi ko tuloy napigilan sarili ko para sarkastikong matawa, so he knew about Denver's scheme all along and didn't bother to warn me?

"I told you earlier, today's not the right time. Bobo ka ba?" He hissed. Blanko pa rin yung ekspresyong pinapakita ni Denver sa kaniya, hindi ko tuloy mabasa kung nagugustuhan niya ba yung mga nangyayari ngayon o hindi.

Agad na inawat ni Hannah si Brylle nang akmang lalapitan nanaman nito si Denver. Nasa tabi ko naman si Sam, kanina pa hindi umiimik at pinapanood lang yung dalawa.

Nabalot ng katahimikan yung paligid at tanging mga mahihinang hikbi ko lamang yung naririnig. Bakas sa ekspresyon ni Brylle pagkairita kay Denver samantalang hindi naman mapakali si Hannah.

"Christelle..." Pagbasag ni Sam ng katahimikan. Napako naman sa kaniya yung atensyon ko.

"About what Denver said, let us explain," he mumbled.

My heart shattered into pieces when I heard what Samuel said. So, hindi lang pala sila naglihim sa akin tungkol dito? Ibig niya bang sabihin, may kinalaman din sila ni Hannah sa panlolokong ‘to sa akin ni Denver?

"Wala namang sinabi sa akin Denver tungkol sa inyo," mahina kong sambit sa kaniya pero sapat na iyon para marinig nilang lahat. Denver even chuckled because of that.

"Oh... Okay," tanging naiusal ni Hannah dahil doon bago hawakan sa balikat si Sam na nakakunot na ngayon yung noo.

"Kung wala naman palang sinabi si Denver sayo tungkol sa amin, bakit parang galit ka?" Sam bursted out. Nakita ko namang pinisil ni Hannah yung braso nito pero hindi siya nagpatinag.

'Aksidente kong narinig kanina na pinag-uusapan niyo ako ni Hannah, Samuel.'

Sa halip na sumagot, yumuko nalang ako’t hindi na muling sinalubong yung tingin nila. Pinipigilan ko nalang yung sarili kong umiyak para hindi ako magmukhang mahina sa harap nila.

"Kung ano man nalaman mo Christelle tungkol sa amin, para rin sa iyo ‘yun," pagsasalita muli ni Sam.

Para sa akin? Kung para sa akin pala ‘yun, bakit ako nasasaktan ngayon?

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon