C H R I S T E L L E
Matapos ang ilang oras na pagtambay ng mga mokong dito sa shop ni tita, sa wakas! Paalis na rin sila. Akmang babalik na sana ako sa couch nang biglang bumalik din doon si Sam at hinigit ako patungo sa kanila.
"T-teka lang! Yung inorder ko," turan ko rito at tinignan si tita upang humingi ng tulong pero nginitian lamang ako nito at kumaway.
"Pasyal ka nalang muna Christelle. Samahan ka nalang din ni Samuel pabalik dito para sa mga damit na pinakisuyo ng mama mo," aniya. Magpro-protesta palang sana ulit ako nang bigla akong inakbayan ni Sam at sinama na sa gala nilang magkakaibigan.
"Dude, why is she here?" Tanong ni Brylle nang makita akong naglalakad kasabay nila. Tumawa muna si Sam bago napagdesisyunang sumagot. Kumag talaga.
"Bakit Brylle? Ayaw mo bang kasama natin 'girlfriend' mo?" Pang-aasar nito na siya namang ikinairap ni Brylle. Nananatili namang tahimik si Denver sa tabi habang sumasabay sa lakad namin.
"Yuck, g*go," sagot nito sa kaibigan.
"Aguy! Yuck ka daw Christelle. Payag ka ginaganun ka lang?" Gatong naman ni Sam sa akin dahilan para sikuhin ko sikmura niya. Napabitaw din siya ng pagkakaakbay dahil dun.
"Deserve, sana nilakasan mo Chua," napatingin naman kami sa lalaking sumulpot nalang na parang kabute habang humahagalpak ng tawa. It was Brent. One of their buddies too.
"Late ka na nga, ganyan pa ibubungad mo?" Urat na turan ni Sam sa kaniya habang iniinda pa rin ang masakit na tiyan.
"Sorry traffic," natatawang tugon nanaman ni Brent bago ibinaling ang tingin sa akin. Ano nanaman ba?
Jusko po! Maawa ka na sa aking Lord. Ilayo mo po ako sa kanila.
"Why is she with us?" Tanong ni Brent sa mga kaibigan. The two just shrugged their shoulders while Sam, as usual, gave his brightest grin. Siya may pakana eh.
"Ka-date ko childhood bestfriend ko. Masama ba?" Sagot dito ni Sam na siya namang ikinatawa ni Brent na para bang may iba pang kahulugan ang mga itinuran ng kumag na nagdala sa akin sa sitwasyon ito.
Gusto ko na umalis at bumalik kay tita kasi super awkward kasama sila kaso 'tong Samuel na 'to, ayaw akong pakawalan. Natatakot akong iwanan nalang din siya bigla kasi baka sabihin niya sa mga kaibigan niya, lalo na kay Denver, yung nalaman niya tungkol sa akin at paniguradong gagamitin nanaman iyong alas ng mga bully na 'to.
Sa buong pag-iikot namin sa mall, ang ingay nina Brent, Brylle, at Sam. Kung hindi biruan at tawanan ay pikunan naman ang nagiging dahilan ng nakabibinging mga tinig nila. Si Denver naman ay tahimik lamang na nagmamasid sa mga kaibigan at paminsan-minsang tumatawa kasama nila samantalang ako, bihag pa rin ni Sam. Badtrip!
Nagtungo kami ngayon sa isang ice cream shop na kilala sa loob ng mall na ito. Pagpasok naming ay agad na pinagtinginan ang apat, kasama na ako, dahil sa ingay na taglay nila at isa pa, hindi maikakailang nakakaagaw atensyon ang kagwapuhang mayroon sila.
Nang makahanap ng mauupuan ay halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lumapit sa kanila. Si Annaliese, or Annie kung tawagin ng karamihan. Ang tinaguriang meanest cheerleader ng school namin dahil sa kapangyarihang taglay ng kaniyang ama sa board ng school. Malakas kasi loob niyang magmaldita at mambully kasi malabong ma-detention siya, ma-expel, o 'di kaya'y masuspend.
Maliban kay Annie, sumulpot din bigla sa likod niya ang dalawa pang cheerleader na palaging nakabuntot sa kaniya. Sina Raven at Chloe. Silang tatlo ang madalas na makikitang may tinatakot at pinagtritripan sa cafeteria, school fields, at kahit mismo sa mga classrooms at school events. Hindi naming alam kung bakit sila ganyan pero siguro, dahil na rin sa yamang kinagisnan nila na siyang naging dahilan upang mahubog ang ugaling pagiging 'spoiled brat' na mayroon sila ngayon.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
RomanceWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...
