Chapter 15

80 49 9
                                    

C H R I S T E L L E

Matapos sabihin ni Brent yung tungkol sa may nagugustuhan siyang kaibigan ko, na-curious na ako nang sobra. Gusto ko man tanungin kung sino kaso nakakahiya magtanong, hindi naman kasi kami ganoon kalapit ni Brent sa isa't-isa.

Ilang araw na ang lumipas matapos kong masabi kay Brent yung tungkol sa sikreto ko at gaya nga ng sabi niya noong nakaraan, my secret is safe with him. Wala ring nagbago sa pakikitungo niya sa akin na para bang wala siyang nalaman sa pagkatao ko. Bungisngis pa rin siya at wala akong maramdamang awkwardness sa kaniya. Mabuti 'yun.

Baka masiyado ko lang talaga bini-big deal yung tungkol dito sa sakit ko, baka masyado ko lang talaga ikinakahiya yung pagkatao ko. Ay! Ewan ko na.

Lunes ngayon at gaya nga ng sinabi ni Allyza, wala kaming klase sa week na ito pero may attendance at kasalukuyan nang nagpaplano yung section namin para sa itatayong booth sa paparating na foundation week. 

"Wedding booth nalang kasi," suggestion ni Brent.

"That's too common. Let's try something unique kaya? Makaka-attract tayo ng mas maraming client if ever," sabat ng isa pa naming kaklase na hindi ko alam yung pangalan, wala naman kasi akong pakialam sa kanila sa totoo lang.

"Horror house?" Suggestion ulit ni Brent.

"Tanga, common pa rin yun," natatawang sagot naman ng isa ko pang kaklase kaya nagtawanan silang lahat maliban kay Brent na humalukipkip lang.

Nagtatalo silang lahat sa booth na gagawin ng section namin. Nanatili lang akong tahimik sa upuan ko, as if my opinion matters.

"Wala ka bang suggestion, Christelle?" Halos sabunutan ko na si Brent nang bigla niya akong tawagin kaya nakatingin tuloy sa akin ngayon yung buong klase. Umiling lang ako sa kanila kaya pinagpatuloy na nila yung pinagmemeetingan.

Lumipas pa ang ilang minuto nang mapagdesisyunan nilang magtayo nalang kami ng parang pang fortune telling. Bihira lang naman daw kasing may gumagawa nun at iyong fortune teller namin ay si Brent para makaakit daw ng maraming students. Siyempre sasamahan siya ng isa naming kaklaseng mahilig sa astrology at tarot cards para hindi gumawa nang kung ano-ano si Brent habang may nagpapaconsult sa kaniya, kahit na sabihing alam ng client na hindi ganoon ka-seryoso yung service na gagawin. We're still high school students after all.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway para puntahan yung pinsan ko sa room nila. Pinatawag ngayon sa Student Council sina Allyza kaya mag-isa lang ako ngayon papunta sa kabilang section.

While heading to Hannah's classroom, I suddenly bumped into someone. Agad namang nanlaki yung mga mata ko nang makita kung sino iyon.

"S-sorry," tanging naiusal ko at nagpatuloy nalang maglakad. Pilit kong pinakakalma yung puso ko.

It was Denver. 

Damang-dama ko ngayon yung init ng mga pisngi ko. Sa dinami-rami ng pwede kong makasalubong, bakit yung crush ko pa?

Hindi ko alam paano gagawin, hindi ko alam kung paano mag-react. Ganito ba talaga kapag first time magkagusto sa isang tao? Parang ang OA naman.

Nang makarating na ako sa room nina Hannah, bigla akong inakbayan ng kung sino dahilan para muntikan ko na siyang masapak.

"Inaabangan mo rin si Hannah?" Turan ni Sam habang nakaakbay sa akin at kumakain ng turon. Inalok niya sa akin iyon pero umiling lang ako.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan mga kaibigan mo?" Tanong ko rito.

"Busy sa practice sina Brylle sa volleyball. Nasa Student Council si Brent. Si Denver gumagala, hindi ko makita," kaswal na sagot niya at kumagat ulit ng turon.

"Hindi ka kasali?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya. Nagkibit balikat nalang ako, baka tinatamad lang mag-practice or nagpapahinga.

Mukhang magsasalita palang si Sam ulit nang biglang may umakbay nanaman sa akin, si Hannah. Napansin ko ring naglalabasan na yung iba niyang mga kaklase kaya siguradong katatapos palang ng klase nila.

"Kanina pa ba kayo? Sorry, nag-overtime si ma'am eh," paghingi niya ng tawad, tumango naman kami ni Sam.

"Si Fritzy?" Tanong ko kay Hannah.

"Excused siya sa klase kanina pa, she's attending the cheerleading tryouts," I gasped after hearing what she said. Parang gusto kong manood tuloy.

Despite Fritzy's quiet attitude, she's kinda active in school activities din pala, just like her twin.

"Why don't you try too?" Sambit ni Sam kay Hannah, pertaining about the cheerleading squad tryouts. 

I stared at my cousin, she's physically fit to be one of our school cheerleaders. Bakit hindi siya nag-try?

"Ayoko eh," kaswal niyang sagot at hinila na kami papuntang canteen.

~*~

Natapos ang buong araw nang wala akong masiyadong ginagawa. Nasa Student Council at other extra curricular stuffs yung mga kaibigan ko. Kasama ko lang si Hannah maglibot ng buong campus kanina at minsan, tumatambay kami sa library para magbasa ng kung ano-anong novels na makikita lang din mismo sa library namin.

Boring kung tutuusin pero nakatutuwang isipin na natapos ko na basahin yung binabasa kong nobela. Ang bitin ng kuwento pero parang magandang hindi na rin magdugtungan 'yun para hindi masira yung plot.

Pauwi na kami ngayon ni Hannah, dadaan daw siya sa bahay kasi andoon daw si parents niya. Ano kayang mayroon?

"Kumusta school?" My brother asked while driving the car. Siya ang sumundo sa amin ngayon. Halos lagi naman.

"Sana all kinukumusta ang school, kuya," pagjo-joke ni Hannah pero hindi tumawa si kuya kaya ako naman yung humagalpak ng tawa dahilan para batukan niya ako.

"Ang corny mo Havannah," Hannah rolled her eyes the moment my brother mentioned her full first name.

Lalo akong natawa nang biglang nag-play sa radio ng kotse ni kuya yung 'Havana by Camila Cabello'. Mukhang sinusubukan ngayon yung pasensya ni Hannah bigla ah?

"I swear to the Goddess Themis that I'll change my name someday to put justice to it," nagtawanan naman kami ni kuya matapos marinig yung sinabi niya. She always hates her full first name, mukha daw brand ng tsinelas, shampoo, kanta, at iba pa. Siya na rin mismo nanglalait sa sarili niyang pangalan dahil na rin sa nangyari noon.

Bigla akong natahimik.

I glanced at Hannah who is also laughing. Natigil din siya nang mapansing natahimik ako't nakatingin sa kaniya.

"It's okay," she said na para bang alam na niya kung anong iniisip ko. I smiled at her and jive along the witty atmosphere. 

Na-bully kasi siya noon hindi lang dahil sa personality niya, dahil na rin sa pangalan niya. Good thing, naka-move on na siya at ayos na rin sa kaniya yung ganito ngayon. Kahit siya rin mismo, pinagtatawanan yung sariling pangalan.

Lumipas pa ang ilang oras ay nakarating na kami sa bahay. Pagpasok na pagpasok ko palang ng bahay, agad na lumapad yung mga ngiti ko nang makita kung sino yung nasa loob.

"Ate!"

***
<3

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon