C H R I S T E L L E
"Ate!" Sabay kaming tumakbo ni Hannah nang makita namin si Ate Shanaiah sa couch ng living room namin. She's Hannah's older sister.
"Oh! Dahan-dahan naman," natatawa niyang saad sa amin nang matapilok ako bigla sa harap niya at matumba.
"Kahit naman mag-dahan-dahan yan si Christelle, malaki pa rin posibilidad na madapa," sabat ni ate dahilan para magtawanan lahat maliban sa akin. Inismiran ko lang siya.
"Bakit ngayon ka lang, ate?" Tanong ni Hannah sa kapatid. Kagaya lang din namin sila ni Ate Tine, close sa isa't-isa. Mas sweet nga lang si Ate Shannaiah.
"Nagkaroon ng problem sa visa ko kaya natagalan," paliwanag ni Ate.
"Na-miss kita ate!" Sabi ko sa kaniya dahilan para ngumiti siya sa akin nang malapad at inabutan ako ng pasalubong galing sa bag niya.
"Ako, hindi niyo na-miss?" Agad kaming napalingon ni Hannah sa lalaking kararating lang sa sala, halatang galing sa kusina dahil may hawak pa siyang pagkain.
"Hindi!" Sabay na sagot namin ni Hannah kay Kuya Zeke, second child ni Tita, kuya ni Hannah.
"Aray! Nakakasakit naman kayo," tugon nito dahilan para mapuno muli ng tawanan buong living room.
Magkakasama kami ngayong magpipinsan sa living room, marahil nasa kusina sina mama at tita, naghahanda ng makakain. Ewan ko, hindi ko sigurado.
"So..." Lahat kami ngayon napatingin kay Hannah nang bigla siyang magsalita.
"What's the occasion? Bakit andito kayong lahat?" Pagpapatuloy niya.
"Oh! You forgot, sis?" Tanong ni Ate Shanaiah.
"Uh?" Naguguluhang tugon naman ni Hannah. Pati rin tuloy ako naguluhan kung anong mayroon.
"Today is our family reunion, dummy. Sabay-sabay daw tayong pupunta sabi ni mama kaya dumaan na kami rito sa bahay nila Christelle," pagsagot ni Kuya Zeke.
"Eh? Bakit ganiyan suot niyo? Diba formal attire dapat?" Pagsingit ko nang makitang naka-pants at croptop lang si Ate Shanaiah at mukhang nakapambahay lang si Kuya Zeke.
"Hezekiah!" Napalingon kami kay tita nang bigla niyang tawagin si Kuya Zeke. Humagalpak naman siya ng tawa.
"Ginugulo mo nanaman isipan ng mga bata," saad ni tita kaya mas lalong napakunot yung noo namin ni Hannah.
"Ang talino ni Christelle ma, ang hirap lokohin," saad ni Kuya Zeke. I heard my sister coughed, nabulunan siguro sa kinakain na chocolate kakapigil ng tawa.
"So we're playing pranks now kuya, huh?" Sabat ni Hannah kaya lalong natawa si Kuya Zeke.
"Ang cute niyo kasi," depensa niya dahilan para mapairap si Hannah sabay tawa.
"Ikaw talaga Hezekiah—"
"Ma! Stop calling me with my full first name," reklamo niya bigla.
"Bakit Kuya Hezekiah, may naaalala ka ba?" Mapang-asar na singit naman ni Hannah.
"Wala, Ha-van-nah," sagot niya, emphasizing Hannah's name kaya natawa nanaman kami.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Dla nastolatkówWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...