Chapter 33

69 37 30
                                    

C H R I S T E L L E

"Oo C-christelle. Sanggol ka palang nung napagdesisyunan kong ampunin ka."

Napaupo nalang ako sa sahig matapos marinig yung inamin ni mama. Para akong nabingi, hindi ko matanggap.

Siya yung mama ko. Totoo niya akong anak. Nag-sisinungaling lang siya.

"Ma!"

Sabay kaming napalingon ni mama kay ate na kaka-akyat palang, kasama nito si kuya na mukhang kagagaling lang sa mini office niya sa baba.

"A-anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Ate Tine nang makita niya ang kalagayan namin ngayon ni mama.

"Christelle, why are you crying?" Tanong naman ni kuya nang makalapit siya sa akin.

"K-kuya..." Tanging nasambit ko sa kaniya. Unti-unti nanamang nanikip yung dibdib ko.

"Hush, ano 'yun?" Bakas na yung pag-aalala sa boses ni kuya. Sa kabilang banda, si ate naman yung nagpapatahan kay mama.

"Kapatid niyo ako, 'di ba? *hic!* " Napatigil yung dalawa matapos marinig yung tanong ko. Nagkatinginan muna sila bago ibinalin kay mama yung atensyon nila.

"Y-you told her?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate. Mukhang alam na nila agad kung anong nangyari't tinutukoy ko.

"Narinig niya ako kanina. S-sorry," ani mama sa gitna ng kaniyang mga hikbi.

"Bakit hindi ka po nag-iingat ma?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya nang sumabat na siya sa usapan.

Bakit parang ayaw nilang malaman ko?

"Hindi ko po ba deserve malaman? Ate? Kuya?" Lakas loob kong tanong sa kanila. Gulat na tumingin sa akin si ate't umiling.

"Hindi sa ganoon Christelle. H-hindi sa ganoon. Maniwala ka sa amin," ate tried to held my hand pero binawi ko lang iyon.

Tinakpan ko yung sarili kong mga tainga. Ayokong marinig yung mga sasabihin nila.

Sana dati pa nila pinaalam sa akin yung tungkol dito. Parang pinagkait nila sa akin yung totoong pagkatao ko. Tapos ngayon, parang alanganin pa silang ipaalam sa akin yung totoo kaya mas nasasaktan ako.

Mabilis akong tumayo't tumakbo papasok sa kuwarto ko. Kahit ano pang sabihin nila ngayon, hindi ko iyon maiintindihan na para bang na-blanko bigla yung utak ko.

"Christelle!" Sigaw ni ate pero hindi ko iyon pinansin.

I locked myself inside this bedroom. Ayoko muna silang harapin.

"Let's give her some time," narinig kong sambit ni kuya. Mukhang nasa harap sila ngayon ng kuwarto ko. Mabuti nalang hindi na sila nagpumilit pang ipaintindi sa akin yung sitwasyon.

I curled myself on my bed, hugging my own pillow while remembering mom's words.

'Sanggol ka palang nung napagdesisyunan kong ampunin ka.'

Gusto kong pakinggan paliwanag nila ngayon pero natatakot ako sa mga malalaman ko. Hindi pa ako handa.

Hindi ko kayang tanggapin na hindi sila yung totoo kong pamilya— na ampon lang ako.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon