Chapter 45

47 34 10
                                        

C H R I S T E L L E

"Hoy! Tokens ko ‘yan!"

Halos tapalan na ni Sam ng bimpo yung bunganga si Hannah nang halos makipag-agawan na ito ng tokens kay Brent.

Inagaw kasi bigla ni Brent yung isang supot ng tokens na binili ni Allyza para kay Hannah. Ayun, walang gustong magpatalo sa dalawa kaya ang ingay-ingay. Nag-aagawan.

Nandito kami ngayon sa arcade na pinuntahan din namin dati. Tinotoo nga nina Misty na manlilibre sila sa arcade after class. Hindi niya kami pinapayagang gamitin yung mga wallet namin kasi libre daw nilang tatlo nina Allyza at Brent.

Siyempre si Brent umangal, nakikipag-agawan nga ngayon kay Hannah ng tokens eh.

"How are you?" Fritzy asked me the moment she sat beside me, may hawak siyang mango shake na marahil ay tinago niya lang para mapasok niya sa loob ng arcade. Mautak din ito eh, parang yung kakambal niya.

"Fine, I guess?" Walang kasiguraduhan kong sagot sa kaniya. Hindi ako sininok kasi totoo namang maayos na pakiramdam ko kahit papaano— sa ngayon.

"Good thing that you've already talked to your mom, how was it?" Tanong niya ulit. Ngumiti naman ako sa kaniya’t piniling huwag nalang sumagot, hindi ko kasi alam kung ano na mangyayari pagkatapos naming mag-usap ni mama. Sumandal ako sa balikat ni Fritzy, mabuti nalang at hinayaan niya ako. Mabuti nalang at hindi na nagtanong muli si Fritzy, mukhang naiintindihan niya na ayokong pag-usapan ulit yung mga nangyari kanina. Ang uncomfortable pa kasi eh.

Si Fritzy unang nakakita kanina sa akin noong kausap ko pa si mama. Saktong napadaan kasi siya sa bleachers noong nagpapaalam na si mama umuwi. Muntik na nga akong sumama pauwi, mabuti nalang nakita ko si Fritzy dahilan para maalala yung pagyayaya ni Misty. Pina-una ko nalang si mama at sinabing may pupuntahan kaming magkakaibigan, magpapaalam din muna ako kay Allyza bago bumalik sa bahay namin.

Moreover, Fritzy was also the first and only person who noticed na umiyak ako kanina. Kaya siguro kinakausap niya ako ngayon.

"Cute niyo, bagay kayo!" Tili bigla ni Hannah at pinicturan kami ni Fritzy. Natawa naman kaming dahil doon at nag-pose pa sa camera ni Hannah.

"Hmp! Me too Christelle, sandal ka rin sa akin," pagsingit ni Misty sa amin ni Fritzy dahilan para lalo kaming magtawanan.

They were already taking photos of each other. Puro epic pictures pa nga nasa phone ni Sam dahilan para mapikon nanaman si Hannah, sinusuyo tuloy siya ngayon ng kupal.

"It was just a picture!" Depensa ni Sam sa sarili niya.

"But that damn picture could ruin my life you moron!" Naaasar na tugon ni Hannah. Lumapit tuloy ako sa kanila para patigilin na, baka mauwi pa sa away itong dalawa, mahirap na.

Kinuha ko yung phone ni Sam at tinignan yung picture na kinaiinisan ni Hannah. Agad namang kumunot yung noo ko nang makitang maganda naman yung kuha sa kaniya dito— actually all of he photos looks nice! Medyo blurry lang yung iba, galaw kasi nang galaw kanina pa si Hannah, baka iyon yung nakuhanan.

"Ang ganda naman ng mga pictures mo ah!" I said honestly while scrolling it in front of Hannah. Hinablot naman sa akin ni Hannah yung phone at may kung anong pinindot na mga albums at hinarap ulit sa akin.

A Hiccup Of Tea (✔)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon