C H R I S T E L L E
"Christelle, pinapatawag ka sa faculty," bungad sa akin ni Allyza pagkapasok ko ng room.
Kararating ko palang dito sa school, akala ko nga late na ako kasi na-flat yung gulong ng sasakyan ni kuya habang nasa biyahe kami. Buti nalang saktong pagdating ko dito sa school, tumunog na yung bell.
Madali lang naman takbuhin mula entrance hanggang sa classroom namin.
"Bakit?" Tanong ko kay Allyza matapos ilapag yung bag ko sa upuan.
"I don't know. Our adviser just told me kanina na pumunta ka raw agad sa faculty pagdating mo," she said while arranging some important papers in her desk, Student Council related ata 'yun.
Tumango nalang ako sa kaniya at nagpaalam bago lumabas muli.
Ano kayang mayroon? Kararating ko palang sa room tapos palalabasin ulit agad. Napapagod na ako.
Habang tinatahak ko yung daan patungong faculty area ng mga teachers, biglang may umakbay sa akin. Handa na sana akong manapak nang bigla itong nagsalita.
"H-hey! Easy. Don't you dare ruin my handsome face," pagpigil niya sa kamao kong papaangat na at lumayo sa akin.
"Nakakagulat ka naman," saad ko kay Brylle na dumidistansya sa akin. Natakot ata na baka masapak ko nga talaga siya.
"Takot ka pala kay Telle eh!" Pang-aasar ni Sam na bigla nalang sumulpot sa kung saan.
"No I'm not. She literally was about to punch me, sino ba namang hindi iilag doon?" Brylle defended himself.
"Hindi raw takot pero ayaw na dumikit sa kaniya. May trauma yan?" Natatawang sambit ni Sam habang sinasabayan kami ni Brylle maglakad. Pumagitna pa siya sa amin tapos sabay kaming inakbayan.
"It's better to be safe than sorry," sagot naman ni Brylle sa kaniya.
Luh?
"Hindi naman ako nananapak ah? Grabe kayo," pagsingit ko sa asaran ng dalawa.
"Weh? You punched Andy when we were little. Nasugatan pa nga ata yung kilay niya nun eh. Laugh trip yung araw na iyon, lakas ng iyak ni kupal," napatigil naman ako sa sinabi ni Sam. Nakalimutan ko yung tungkol doon ah?
"It was just a little cut. Nadapa rin kasi siya nun!" I exclaimed.
"Nadapa kasi bigla mong sinapak," hindi talaga nagpapa-awat si Sam kakaasar. Malapit na akong mapikon.
"Bakit mo ba ginagawang topic yung taong wala naman dito? Ha? Baka maputol dila ni Denver nito," pagpapatigil ko sa kaniya.
Alam kong ako yung inaasar niya pero damay din naman si Denver, siya si Andy eh. Gamitin ko nalang na excuse 'yun para manahimik na 'tong si Sam.
"Aysus," tanging tugon ni Sam sa sinabi ko at tumawa nang malakas. Natawa rin tuloy ako, ganoon din si Brylle na kanina pa kami pinapanood mag-asaran.
"Bakit ba kayo nandito?" Mahinang tanong ko sa kanila kasi nakapasok na kami sa faculty area. Baka mapa-guidance kami bigla nang wala sa oras kung mag-ingay kami rito.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Novela JuvenilWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...