C H R I S T E L L E
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Brylle. Anong friendship over?
Did he really considered me as his friend despite everything? Seryoso talaga siya sa pagtawag niya sa akin noong nakaraang araw sa school ng 'friend'?
If that's the case, bakit bigla niyang sinabi ngayon na 'friendship over' na kami? Ang gulo naman niya!
"Earth to Christelle!" My thoughts were suddenly erased the moment Allyza snapped her finger in front of me.
"Bakit? Ano 'yun?" Gulat kong tanong sa kaniya pero umiling lang siya't kumain muli.
Nasa Intramuros kami ngayon. Katatapos palang naming ikutin yung Fort Santiago at mamaya after lunch, sa Rizal Park naman daw kami didiretso para raw sa isang exhibit doon na sponsored mismo ng school namin.
Kami lang nina Allyza at Brent yung magkasama ngayon kasi pinaghiwa-hiwalay yung mga students per strand and section.
We're currently eating lunch while waiting for the others to arrive. Lunch time lang kasi kami may chance na magkasama-sama ulit.
Mukha nga lang napatagal pag-iikot nila Hannah kasi hanggang ngayon, wala pa rin sila.
Akmang susubo palang ako ng pagkain sa kutsara ko nang biglang may umupo sa tabi ko't nasanggi yung braso ko. Natapon tuloy yung pagkain sa damit ko.
"Hi, how are you Chua?" I creased my forehead when I saw Ynna smiling at me.
"Bakit ka nakikisali dito sa amin? Wala ka bang friends?" Brent blurted out and it was kinda rude. Palihim ko naman siyang sinipa sa paa kaya ako naman yung sinamaan niya ng tingin.
"Why are you here? Do you uhm... Want to join us?" Allyza politely asked.
"Oh! No, don't worry. Saglit lang naman ako rito," Ynna said then turned her gaze to me.
Ano nanaman kaya pakulo nito?
"Chua, remember what I told you before?" She asked. Pilit ko namang inalala kung ano iyon.
"Hindi ko maalala," I honestly told her.
"Help me win him back," aniya dahilan para maliwanagan ako kung ano yung tinutukoy niya.
"I have no position to meddle with my friend's decision. Sorry Ynna, ayoko," sagot ko sa kaniya.
Sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan nang biglang lumapad yung ngiti niya.
"Okay then, we're not allies. Hope you regret your decision," she said and then walked away.
"Anong allies?" Tanong ni Allyza pero nagkibit-balikat lang ako sa kaniya.
Hindi ko rin alam kung anong tinutukoy niya. We barely talk to each other at school kaya hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto niyang mangyari't ipahiwatig.
Consider the fact na bago lang din siya sa amin.
"Christelle! Allyza!" Napalingon ako bigla nang makitang tumatakbo sina Hannah, Misty at Fritzy papunta sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/136659197-288-k634469.jpg)
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Teen FictionWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...