Chapter 20

67 45 13
                                    

C H R I S T E L L E

"Denver..." Tanging naiusal ko. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong na-estatwa sa aking kinatatayuan.

Ngumiti naman siya sa akin. It was my first time seeing him smile like that.

Nasaan na yung cold na Denver na kilala ko?

Ayaw mag-sink in sa akin lahat ng nangyayari. Is this for real? My crush and my childhood bestfriend are the same person?

"Telle!"

My senses came back when I heard Sam's voice. Tumingin naman si Denver sa kung nasaan si Sam bago tumalikod nang walang pasabi.

Napako muli sa kaniya yung atensyon ko. Maya-maya lang ay nasa harap ko na si Sam.

"I've been looking for you. Anong ginagawa mo rito? Bakit mo kausap si Denver kanina?" Tanong nito pero hindi ko iyon pinansin.

"I just met Andy," bakas ang pagkagulat sa mukha ni Sam nang marinig yung sinabi ko.

"Really?" Hindi ko matantya kung natutuwa ba siya na nalaman ko na o hindi.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal na pala siyang nakabalik?" Tanong ko rito. Gusto kong mainis kay Sam dahil doon pero hindi ko magawa, siguro may katanggap-tanggap silang dahilan kung bakit hindi nila ipinaalam sa amin ni Hannah yung tungkol doon.

"He told me to keep it a secret. Nahihiya siya sa inyong dalawa matapos yung nangyari noon," sagot nito.

"What do you mean?" I bet confusion is now written all over my face.

Umupo si Sam sa bench bago sumagot sa akin.

"Diba nagalit ka sa akin noon kasi wala akong nagawang tama noong binu-bully dati si Hannah?" Pag-uumpisa niya. Tumango naman ako.

"Aware ka naman na isa siya sa mga bully noon diba?" Tanong niya ulit. Inalala ko kung kasama ba si Denver sa mga nambulas kay Hannah. Napakunot naman noo ko dahil doon.

Noong panahon na iyon, yung barkada nina Sam yung hindi masyadong nambulas pero sila yung nagpapasimuno. I mean, they'll bully someone verbally tapos papatulan naman ng iba iyon— physically and emotionally.

Hindi ko maalala na nang-asar noon si Denver sa pinsan ko. Just like Sam, tahimik lang din siya everytime na binu-bully pinsan ko. Tahimik pero hinahayaan lang mangyari.

Brylle and Brent are the ones who usually initiate teasing first and gagayahin naman iyon ng ibang students.

Kaya siguro tahimik lang si Denver noon kasi kaibigan niya rin si Hannah. Siguro, pareho sila ng nararamdaman ni Sam.

"Earth to Christelle?" Napakurap ako nang pinitik ni Sam yung noo ko.

"Aray!" Reklamo ko rito. Ang lakas ng pitik niya!

"You're not listening. Kanina pa ako nagku-kuwento," siya naman ngayon nag-reklamo at inirapan pa ako. Aba!

"Ano ba sabi mo?" I asked. Pinitik naman niya bigla noo ko.

"Nasasayang laway ko sayo," pagrereklamo niya. Magsasalita palang sana ako para depensahan sarili ko nang bigla niyang ipinagpatuloy yung pagkukuwento niya.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon