Chapter 34

66 37 9
                                    

C H R I S T E L L E

"Shh... Everything will be okay. If you need someone to lean on, then here's my shoulder. You're my best friend, I'll stay by your side no matter what," Brylle comforted me.

I don't know why but it suddenly eased my mind as if there's some magic in his words.

"Thank you," bulong ko sa kaniya. I heard him chuckled before letting me go.

"Take care and cheer up, Chua. Una na ako. Coach might be furious by now," pagpapaalam niya sa akin bago umalis papunta sa practice nila. Natawa naman ako dahil doon.

Nanatili lang akong nakatayo habang sinusundan ng tingin si Brylle. Hindi ako makapaniwala na magkaibigan na kami, as in totoo na ngayon.

Dati kasi puro siya mixed signals eh. Minsan galit, minsan hindi.

I genuinely smiled while staring at him. I thought that he's a total jerk before, he was once a bully— sa akin at kay Hannah. Nakakagulat lang na ayos na kaming lahat ngayon at lumipas na yung mga nangyari noon.

"Sana kami rin nila m-mama," bulong ko sa sarili. Nag-alangan pa akong sabihin yung 'mama', hindi naman niya kasi ako totoong anak.

Sino kaya totoo kong mga magulang?

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may umakbay sa akin. Napaatras ako bigla dahil sa gulat. Nawala yung kaba ko nang makita kong si Brent lang pala 'yun.

"Good morning," bati niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Good morning din," I greeted back. Bakit ang aga nito ngayon? Napatingin ako sa orasan ko, it's almost quarter to eight. Kaya siguro nakapasok na rin 'tong si Brent nang hindi pinipigilan ng guard.

"Himala, mukhang hindi ka male-late ngayon ah?" Pagbibiro niya dahilan para maalala ko nanaman sila kuya.

Madalas kasi akong ma-late kasama sila eh. It's either mabigat yung traffic, matagal kumilos si ate, o nasiraan ng makina yung sasakyan.

Napailing ako bigla. Paano ako magiging maayos nito kung sa lahat nalang ng pagkakataon, naaalala ko sila?

'Be strong, Christelle.'

"Hoy!" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla pumalakpak sa harap ko si Brent. Tinignan ko naman siya nang masama.

"You're spacing out. Ayos ka lang ba?" He asked. Ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya.

"I'll hiccup if I say I am," I honestly answered. Nabakas ko naman yung pagkalungkot sa aura ni Brent na para bang napasa ko bigla sa kaniya yung sakit na nararamdaman ko.

"Mind sharing it?" Tanong nanaman niya pero umiling lang ako. Sa tingin ko, hindi pa ako handa na i-kuwento sa iba yung tungkol dito. Kahit kay Hannah.

"Okay then. Tara sa canteen, kain nalang tayo. Libre kita!" He said making sure that the atmosphere will light up.

Mabuti nalang naintindihan niya at hindi na nagpumilit pa.

"Bukas na ba 'yun?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi ba't masiyadong maaga pa?

"Bukas 'yan. Lagi akong maagang pumapasok dahil sa Student Council. May mga pang-almusal na silang paninda ng ganitong oras," sagot niya sa tanong ko kaya tumango naman ako't nagpahila sa kaniya.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon