C H R I S T E L L E"No need," the young lady at my age said as the wind gently brushed her hair making it flow beautifully towards us.
"K-kailan ka pa nandito?" Naluluha kong tanong sa kaniya. Tinawanan niya naman ako.
"I thought mommy told you about my departure Telle. Diba galing ka sa shop niya kanina?" She asked.
"Walang nabanggit si tita," sagot ko naman sa kaniya.
"Oh? Then maybe she wants to surprise you and it works. Ta-da! I'm back," nang nag-process na sa akin nang tuluyan kung sino yung nasa harap ko, dali-dali ko siyang niyakap nang mahigpit dala ng pangungulila.
"I missed you!" Turan ko sa kaniya at nagtatalon habang nakayakap sa kaniya. Tawa naman siya nang tawa.
Kapwa kaming napahinto nang marinig naming bumukas ang pinto ng sasakyan ni Sam at pumasok siya rito. Bago pa man makaalis yung kotse niya ay kinatok ito ni Hannah at ngumiti sa kaniya nang buksan nito ang salamin ng sariling sasakyan.
"Hindi ka man lang ba magha-hi?" She asked which made him gulped and smiled awkwardly. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa reaksiyon ni Sam. Ang lakas ng loob magyaya na pabalikin namin si Hannah tapos siya naman 'tong naduduwag ngayon.
"Hi?" He said dahilan para buksan ni Hannah yung pinto ng kotse niya at hinila siya palabas bago yakapin din nang mahigpit gaya ng ginawa niya sa akin. Sa amin kasing magkakaibigan noon, si Hannah at Sam talaga pinaka-close sa isa't-isa kahit na magpinsan kaming dalawa. Nagkaroon lang ng lamat samahan nila nang ma-barkada si Sam sa mga sikat noong highschool.
"Don't be such a dummy Sam. Napatawad na kita ano ka ba!" Natatawang saad ni Hannah at ipinakita kay Sam yung friendship bracelet namin na suot-suot pa niya ngayon. Hindi niya pala binigay yan kay Sam bago siya umalis? Akala ko inabot niya kasi sobrang sama rin ng loob niya nung panahong iyon.
"Really?" Bakas ang tuwa sa mga mata ni Sam. Tumango naman si Hannah.
Magsasalita palang sana muli si Sam nang bigla siyang kinalabit ni Brent at sinabing hinahanap na sila ng dalawa kaya nagpaalam nalang siya sa amin at pumasok na lang sa kaniyang kotse.
"Babawi ako sa inyo. Promise," ani nito at tuluyan nan gang nagmaneho pabalik sa mall. Napailing naman si Hannah at bahagyang natawa.
"I guess, he's still blaming himself about the issues in the past," ani Hannah habang naka-pokus pa rin ang mga mata sa daang tinahak ng sasakyan ng dalawa.
Tinitigan ko naman siya at napangiti. She changed. I mean, kapansin-pansin ang fierce aura niya unlike dati na kung titignan, para siyang softie. Iyan ata ang naging epekto kay Hannah sa lahat ng mga pambubully na naranasan niya noon. She became stronger.
"Tara na?" Inaya ko na siya papasok sa loob ng bahay habang tinutulungan niya akong magbitbit lahat ng mga damit na inorder ni mama kila tita.
~*~
"Sana all talaga nalibot na buong mundo!" Saad ni ate habang nakikinig sa kuwento ni Hannah tungkol sa mga nangyari sa kaniya magmula noong umalis siya sa sariling bansa ilang taon na ang nakalilipas.
Magkakasama kami ngayon sa kuwarto ni ate. Dito rin muna matutulog si Hannah sapagkat pinapaayos pa ni tita yung kuwarto niya dahil sa biglaan nitong pag-uwi kasama si tito, yung papa niya.
"Marami bang pogi sa Korea sis?" Tanong muli ni ate kay Hannah dahilan para pareho kaming matawa. 'Tong ate ko, puro pogi nalang talaga bukambibig.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Novela JuvenilWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...