Chapter 18

95 46 33
                                    

C H R I S T E L L E

"Mag-pinsan kayo?!"

Parang nag-shutdown bigla buong sistema ko nang marinig iyon. I thought they were just bestfriends.

I even thought she's the friend of mine that Brent likes.

Pinagmasdan ko yung reaksyon nina Hannah at gaya ko, halatang gulat na gulat sila sa nalaman.

"Hindi halata," bulalas bigla ni Misty matapos ang isang nakabibinging katahimikan.

"Really?" Natatawang saad ni Brent at tumingin kay Allyza. Bigla naman siyang napatalon sa upuan nang makitang gising na si Allyza at nakataas yung isang kilay sa kaniya.

"Ay, gising ka na pala," he awkwardly said.

"Tulog pa ako, hologram lang 'tong kaharap mo," ani Allyza. Mukha siyang nagbibiro pero walang natawa. Tumawa nalang ako para hindi siya mapahiya. Sumunod naman yung tatlong babae sa akin samantalang nakangiwi lang si Brent.

"Oh! Makikisingit lang sa tawanan. Allyza, please be mindful of your health. I know you're kinda busy but don't forget to take care of yourself," pagsingit ni Misty sa gitna ng mga tawanan namin na agad din naman naming sinang-ayunan.

"I told you," sambit naman ni Brent.

"Okay, sorry for making you guys worry," nakangiting saad naman ni Allyza.

"Bakit sa kanila nakinig ka kaagad? Bakit sa akin, nakipagtalo ka pa?" Reklamo bigla ni Brent dahilan para batukan siya ni Misty.

"You're scolding me yesterday, Brent. It was kinda annoying, you sound like a relative of mine who's genuinely affectionate towards me," sagot ni Allyza.

"Eh? Hindi ba kayo magkamag-anak?" Nagtatakang tanong ni Hannah.

"Huh?" Confusion is now written all over Allyza's face. Bigla namang tumawa si Brent.

"I thought you're cousins," singit ni Fritzy. Napa-'ahh' naman si Allyza.

"That's ridiculous! Who told you that?" Natatawang sambit ni Allyza.

"Me. Hindi ko akalaing maniniwala kayo doon," pag-amin ni Brent dahilan para dambahan siya ni Misty.

"Na-isahan mo kami doon ah!" Reklamo ni Hannah.

"Akala ko lubog na ship namin," Fritzy suddenly commented pero it sounds a little gibberish. Mukhang hindi napansin ng iba yung sinabi niya.

I looked at her but she just smiled at me and then did a 'shush' sign. Natawa naman ako at tumango. Sinadya niyang hindi iparinig sa iba para siguro hindi na humaba pa mga argumento.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakapagpahinga na si Allyza at pinayagan na siya ng nurse na lumabas ng infirmary. Nagkabati na rin pala si Brent at Allyza, kailangan lang pala nila ng kaunting kulitan para magka-ayos.

Pagbalik namin sa gymnassium, patapos na yung game at sobrang laki ng lamang ng team namin.

Sure win na 'to.

Sa harap kami dumaan kung saan naroon yung mga players kasi doon pumasok si Brent, hinila niya kami eh. Besides, nasa pinakaharapan lang din naman yung pwesto namin kanina.

Agad akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig yung nakabibinging hiyawan ng mga nanonood habang pinapanood yung bolang lumilipad papunta sa akin. Gusto kong tumakbo at umilag pero mukhang trinatraydor ako ng mga paa ko.

"Move!"

Nabalik ako sa ulirat nang may isang lalaking tumakbo papunta sa akin at walang alinlangang sinalo yung bola. Napakurap ako dahil sa bilis ng pangyayari.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon