C H R I S T E L L E
"Shut up Brent, you might wake her up!"
"Naglalaro lang ako sorry na. Ang bobo naman kasi eh, ayaw mag-push!"
"I said shut up! Ang ingay-ingay mo."
"Wait lang, lalabas nalang ako— hala, g*go retreat! Samuel atras... Ayan tuloy, ang bobo— aray! Ang sakit nun Keith."
A bright light suddenly welcomed me the moment I opened my eyes. Napahawak pa ako sa tainga ko dahil sa ingay na naririnig ko.
Nang makapag-adjust na yung paningin ko, agad na nilibot ng mata ko yung paligid dahilan para mapagtanto kong nasa apartment ako ni Allyza.
"Ayan na sinasabi ko! Nagising na tuloy," dinig kong bulyaw ni Allyza. Nakatayo siya sa likod nito habang nakaupo naman sa bean bag chair si Brent, nakahawak sa sariling batok.
Naalala ko tuloy yung nagising din ako dati dito sa apartment ni Allyza. Nasa parehong puwesto ako nakahiga nun, walang din namang nabago sa ayos ng kwarto ni Allyza.
Kaibahan nga lang, sina Allyza at Brent nalang nandito, wala na sila Hannah.
"Water?" My gaze turned to Allyza when she offered me a glass of water. Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat.
Napatingin ako sa orasang nakasabit sa pader, alas-nuwebe pasado na pala. Ano na kaya nangyayari ngayon sa bahay?
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Allyza sa amin, umiling ako bilang tugon.
"Tara sa labas, may stocks pa ata ako ng food sa ref," pag-aaya sa amin ni Allyza kaya sumunod naman kami ni Brent paglabas niya ng kuwarto.
Ngayon ko lang napagmasdan nang maayos yung apartment ni Allyza. Maliit lang ‘to, mukhang pang isa o dalawang tao lang. Maraming stuffed toys na nakapaligid sa TV niya tapos magkadikit lang halos yung kitchen area at sala, actually pwede na ring maging dining area yung sala niya kung wala lang small table na nakalagay malapit sa kitchen.
Masaya siguro tumira mag-isa. Maliban sa tahimik yung paligid mo, less stress pa. Puwede mo rin magawa lahat ng gusto mo nang walang pag-aalinlangan.
"Ang ganda ng apartment ko ‘no?" My thoughts were interrupted when Allyza suddenly spoke. Narinig ko pa siyang mahinang natawa habang naghahanap ng pagkain sa mini pantry niya.
"Oo," sagot ko sa sinabi niya. Humarap naman siya sa akin habang hawak-hawak yung isang pack ng green peas at isang lata ng liver spread.
"Ang honest mo naman. Kinikilig tuloy ako," natatawang saad ni Allyza bago ilagay tray na nasa lamesa yung mga hawak niya at nagtungo na sa refrigerator para kumuha ng iba pang ingredients para sa lulutuin niya.
"Sa akin ka lang dapat kiligin." Nanlaki mata ko matapos marinig yung sinabi ni Brent kay Allyza. Napahinto naman sa pagkilos si Allyza dahil doon.
I glanced at him with a questioning look. Feel ko may panibago nanaman akong malalaman.
And this time, mukhang ito lang yung magugustuhan ko.
"Bakit?" Kaswal na tanong ni Brent sa akin habang nakatutok lang sa cellphone niya. Pinigilan ko yung sarili kong ngumiti dahil sa naiisip ko.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
أدب المراهقينWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...