C H R I S T E L L E
"Aray!" Halos mahulog na ako sa upuan ko nang bigla akong hinampas ng notebook ni Allyza. Patagal nang patagal, nagiging kumportable na siya masiyado sa akin ha?
Ayos lang, we're friends naman eh.
"You're spacing out Christelle. Kanina pa ako nagsasalita dito, look oh! What's bothering you ba?" She asked. Umiling naman ako.
"Wala, masama bang matulala nalang nang basta-basta?" Napataas naman ng kilay si Allyza sa sinagot ko.
Kasalukuyan kaming nasa canteen, lunch break na kasi. Kasama namin sila Hannah at yung kambal, sina Misty at Fritzy.
Hindi kasi mawala sa isip ko yung text messages kahapon. Nakakagulat at nakapagtataka lang na bigla-bigla siyang nag-reach out nang ganun.
Kakagat na sana ako sa sandwich ko para mabawasan yung mga iniisip ko nang bigla akong nakaramdam ng panlulumo.
*hic!*
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Hannah. Sunod-sunod na akong sininok dahilan para mag-alala na yung iba.
"O-M-G Christelle! Dahan-dahan kasi sa pagkain. Here, water," saad ni Misty at inabutan ako ng tubig. Agad kong tinanggap iyon at inubos kaso walang epekto.
Walang tigil yung pagsinok ko. I glared at Hannah when I saw her still laughing at me. Akala mo hindi ko pinsan.
Huminga muna ako nang malalim bago sila harapin.
"Actually..." Pag-uumpisa ko, unti-unti na ring bumagal yung pagsinok ko.
"The reason why I was spacing out a while ago is that someone suddenly rea—"
"Anong pinag-uusapan niyo?" Naputol iyong sasabihin ko nang dumating si Brent, may kagat-kagat pa siyang tinapay sa bibig.
"Tsismoso ka ha," ani Misty pero nginisihan lang siya ng isa.
Halos magdiwang na ako dahil sa pagdating at pagsingit ni Brent. I was about to tell them the truth kanina that's why my conscience is not bothered anymore, therefore my hiccups stopped. Thank goodness!
Kung may saved by the bell, mayroon din palang saved by Brent.
"Una na ako," Lahat kami napatingin kay Allyza nang bigla itong nagsalita at umalis nang hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
Alam kong hindi lang ako ang nakapansin.
"What's wrong with her?" Pagbasag ni Fritzy ng katahimikan.
"Nilamig ako roon ah?" Puna naman ni Hannah at nagkunwari pang nilalamig.
I glanced at Brent na nakatingin lang sa kung saan dumaan si Allyza. I can sense na there's something wrong between them.
"Nag-away kayo?" I asked him. Dahan-dahan namang lumingon sa akin si Brent at nagkibit-balikat lang.
"Something happened yesterday. I don't want to talk about it," aniya napatango naman ako, pati sila Hannah. Naging awkward tuloy yung atmosphere.
"Nga pala, punta kayo mamaya?" Pagsasalita muli ni Brent nang nakangiti, marahil pinapagaan niya yung aura ng paligid.
"What's mayroon mamaya?" Tanong ni Fritzy.
"Gosh! You're so conyo ha?" Biro naman ni Misty sa kakambal dahilan para magtawanan kami.
"May laban ng volleyball mamaya, court natin ang host," sagot ni Brent sa tanong ni Fritzy.
"Sino maglalaban?" Hannah asked.

BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Teen FictionWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...