C H R I S T E L L E
"We're here!" Hannah exclaimed nang makarating na kami sa entrance ng sinasabi nilang arcade at hinila na si Sam papasok.
"Tara," sabi sa akin ni Brylle at hinatak na ako sa loob.
Pagkapasok namin ng entrance, nagulat ako nang biglang may biglang humigit ng braso ko palayo kay Brylle.
"Denver?" Nagtataka kong saad dito ngunit walang emosyon niya lang akong tinignan at ibinalik ang atensyon kay Brylle.
Halatang nagulat si Brylle sa nangyari at sinamaan ng tingin si Denver bago umalis.
Naiwan naman akong kasama si Denver dito sa entrance.
"Go to your friends," maikling sambit nito at umalis, iniwan ako. I just shrugged my shoulders before running towards Hannah who is now ordering something at the counter.
"Oh? Where's Brylle?" Tanong nito sa akin pero nagkibit-balikat lang ako.
"Sabay mo ako, ayoko na pumila," sabi ko kay Hannah at nag-abot ng one hundred pesos para sa token. Nang makabili ay dumiretso kami sa shooting area, hindi ko alam kung ano tawag dito kasi hindi naman talaga ako naglalaro sa mga arcades. Basta yung maglalaro kayo ng basketball.
"Marunong ka?" I asked my cousin.
"Of course! Ako pa ba?" Mayabang niyang sagot at naghulog na ng token. Kumuha siya ng bola at preskong hinagis patungo sa ring.
Muntik na akong tumawa nang makitang hindi na-shoot yung bola sa ring. Kumuha ulit si Hannah at sinubukang mag-shoot ulit pero hindi nanaman ito pumasok.
"Marunong pala ha?" Pang-aasar ko rito pero inirapan niya lang ako. Natapos yung oras niya na isa lang yung bolang na-shoot.
"Madaya yung game," reklamo niya pero tinawanan ko lang siya. Maya-maya lang ay sumulpot sa tabi namin si Sam at naghulog ng token sa nilaruan ni Hannah kanina.
"Wow," namamangha kong saad. Lahat ng tira ni Sam, pumapasok. Halatang sanay na siya sa laro.
"Paturo!" Sumingit si Hannah kay Sam at nagpaturo maglaro. Napangiti ako habang pinagmamasdan yung dalawa. To be honest, they look cute as a couple.
Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami, bukambibig lagi noon ni Hannah si Samuel. Crush niya raw kasi. I wonder, crush pa rin kaya ng pinsan ko si Sam hanggang ngayon?
Feel ko hindi na, lumayo rin loob niya kay Sam noong na-bully siya eh.
"Gusto mo rin?" Napatingin ako kay Brylle nang bigla siyang lumapit sa akin, may hawak na bola.
"H-huh?" Tanging nasambit ko sa kaniya. Mahina naman siyang natawa bago ako hilahin sa isang bakanteng basketball arcade.
"Wait, hindi pa naman ako nag-oo," pagpigil ko sa kaniya.
"But you also didn't say no," he responded. Humingi siya ng isang token sa akin kaya walang alinlangan kong inabot iyon.
Nag-umpisa na siyang maglaro pero hindi ako nakisama. Pinanood ko lang siya.
Nang matapos yung oras, sumandal siya sa parang railings at nagtataka akong tinignan.
"Hindi ka sumali. I said let's play eh. Isa pa nga," Brylle said.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Roman pour AdolescentsWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...