Chapter 2

176 67 46
                                    

C H R I S T E L L E

"Liit! Gising na! " Nagtalukbong lang ako ng kumot matapos marinig ang isang tinig na tila ginigising na ako.

Argh! 5 minutes... Babangon na ako.

"Liit!" Tinakpan ko ng unan yung ulo ko at dumapa. Hayst! Sino ba 'tong boses tandang na 'to? Ang ingay-ingay tsk!

"Christelle! The heck? Please wake up!"

Ang tinis! Sakit sa tainga! Leche!

Bigla akong napabangon dahil sa sigaw na 'yun. Mukha ng ate kong bruha ang agad na sumalubong sa akin. She furrowed her eyebrows as she creased her forehead.

Kung kahapon natutuwa ako sa kaniya dahil sa pabaon niya, ngayon hindi na.

"Yah! Ano bang problema mo ate ha? Panira ka ng tulog, alam mo ba yun?" I yawned after saying those words. I saw her raised her eyebrow at me pero hindi ko nalang pinansin 'yun.

Humiga nalang ulit ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Inaantok pa ako, minamagnet pa ako ng higaan ko.

"What the-Christelle!" Biglang naalog yung buong sistema ko. Did she just threw a cup of water at me? Siraulo ba siya?

Handa na sana akong ambahan siya ng sapak nang bigla niyang pinitik noo ko.

"Gusto mo bang maiwanan nanaman tayo ni Kuya? It's already 7:00 am for Pete's Sake Christelle, 10:00 am pasok namin. Baka ma-traffic," sermon ni Ate. Mukha siyang tanga.

Inaantok akong lumingon sa desk clock ko dahilan para tuluyan nang magising yung sistema ko.

Geez! Lampas alas-syete na?!

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Halos sigawan ko na si ate habang nagmamadaling ligpitin yung hinigaan ko. Nakita ko naman siyang napailing-iling nalang sa akin. Ayokong ma-late!

"Bwisit! Akala ko automatic na bubukas, argh!" Bulyaw ko sa pintuan ng CR at nagmamadaling pumasok. Feeling ko tuloy nagka-bukol ako dahil dun.

Ayan Christelle, tamad-tamad ka pang bumangon kanina ha?

~*~

"Mama, nasaan sila ate at kuya?" Tanong ko kay mama habang busy kumakain sa hapag kasama si Nanang Perlita. Agad na kumunot yung noo nilang dalawa nang makita akong papalapit sa kanila. Huh, bakit? Gusot ba uniform ko?

"Tulog pa ata mga kapatid mo. Bakit ang aga mong mag-ayos? " Bakas ang pagtataka sa buong mukha nina Mama at Nanang.

Maaga? Eh? Malelate na nga ako eh, paano naging maaga?

"7:15 na po kaya mama. Sure ako dun kasi yun po yung nakalagay sa orasan ko bago po ako bumaba," bakas na din ang pagtataka sa boses ko.

Hindi kaya tumigil lang yung mundo ko kanina? Tsaka kung tumigil man mundo ko kanina, anong connect nun at anong dahilan para tumigil mundo ko? Hayst! Ang gulo ko. Nahihibang na ata ako.

"7:15? 5:30 am palang Telle. Medyo madilim pa nga sa labas oh," singit ni Nanang Perlita at hinawi yung kurtina ng bintanang nasa likuran niya. Medyo naguluhan pa ako sa sinabi nila. Ano daw? 5:30? What the-

"7:15? 5:30 am palang Telle,"

"7:15? 5:30 am palang Telle,"

"7:15? 5:30 am palang Telle,"

Sh*t! Alas-singko y media palang?!

"Good morning Pilipina-"

"Hoy! Badtrip ka talaga!" Pinutol ko na yung dapat sasabihin ni ate at bigla siyang sinugod habang hawak yung suklay. Papatayin ko siya!

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon