CHAPTER 2
HIRAP MAITAGOTERRENCE
PINAGMASDAN KO lang siyang gumalaw sa harapan habang nakangiting nagpapakilala. Mukhang tawang tawa pa 'yong mga tropa niya sa dulo dahil inaasar siya nito. Nabingi ako yata ako sa tagpong iyon dahil wala akong marinig—hindi talaga ako makapaniwala.
Hindi nga? Kaklase ko talaga siya?
All this time ang akala ko college student na siya dahil sa edad niya. Noong nakita ko sa isa niyang picture noon na ginamit niya noong birthday niya at may nag-comment na 19 years old na siya, tunog pa-2nd year college na siya nun. Hindi ko naman natatanong sakaniya ang tungkol dito kasi tingin ko sobrang common na nun.
Hindi nga, kaklase ko ba talaga siya? Paki-sampal naman sana ako ni Ate Mia kung nananaginip lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko samu't saring paru-paro, alitaptap at kung ano pang sangkahayupang lumilipad sa gubat ang nagwala sa loob ng tiyan ko!
"Iyon lang ba, Easton?" Tanong ng professor namin.
"Opo, Ma'am." Sagot niya. "'Yun lang naman kailangan nila malaman sa'kin. Basta pag nakita niyo ko," sabay lingon sa klase. "gwapo tas diesinueve anyos, ako na 'yun."
Natawa nalang 'yung professor namin. "Sige maupo ka na." Napalingon siya bigla sa'kin. "Oh, gulat na gulat ka ata kay Easton, Terrence?"
Natauhan ako at napa-ayos ng reaksiyon. Naramdaman kong tumingin ang buong klase sa'kin. Hindi ako nakahinga ng maayos at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng lingunin din niya ako. "A-Ah..." napangiti ako sa hiya. "wala po—"
"Dati ba kayong magkaklase ni Easton?"
Mabilis akong umiling. "Hindi po."
"Baka crush, Ma'am?" Biglang sigaw ng isang kaklase ko sa dulo. Agad na naghiyawan ang buong section at tinukso ako kay Easton. Natawa naman si Ma'am.
Bwisit! Kung pwede lang lamunin nalang ako ng lupa ngayon din!
"Hindi po! Hindi po!" Mabilis kong tanggi sabay iling-iling. Saglit kong nilingon si Easton at nakita kong bahagyang umaangat ang mga sulok ng labi niya.
"Na-shock ka ba sa kagwapuhan ni Easton?"
"May iniisip lang ako Ma'am kanina—ay ano po, hindi po may... may kamukha lang po siya na ano, dati kong kaklase." Tumango tango ako para magbigay ng assurance. "'Yun po ang dahilan. Kala ko po siya 'yun eh, pero kamukha lang pala."
Ngumiting tuso si Ma'am. "Yun naman pala eh, kala naman namin. Oh sige, mag-hi ka na sakaniya."
"P-Po?" Gulat kong tanong.
Muling naghiyawan 'yung buong klase sa panunukso sa'kin. Ahhhh! Bakit kailangan niyong gawin sa'kin 'to?
Muli kong tinignan si Easton at nakatingin nanaman siya sa'kin. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko umaakyat na 'yung init sa magkabilang pisngi ko.
"Mag-hi ka kay Easton, para magkakilala na kayo. Getting to know each other nga tayo ngayon, diba?" Pagpapaliwanag niya.
Bakit sa akin mo lang ginawa, Ma'am? Ang daming dumaan kanina na nagpakilala wala ka namang ginanyan!
Napalunok ako at pilit na ngumiti sakaniya. Nakakaloka, grabe itong sitwasyon na 'to. I can't believe ito ang unang pagkakataon na talagang magkakaroon kami ng contact na dalawa.
Kumalma ka lang, Nicolas. Hindi ka naman niya nakikilala. Dummy account ang kausap niya so okay lang 'yan. Wag kang pahalata!
"A-Ano..." lumunok ulit ako. Sabay ngiti kay Easton. "Hi..."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomantikSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...