CHAPTER 22
PINAG-IISIPANTERRENCE
FAST FORWARD, araw na ng thesis defense. Kabadong kabado ako. Alam kong nagpraktis naman kami ni Easton kung papaano mag-pepresent, pero hindi pa rin mawala sa isip ko na paano kung presentation pa lang, pumalpak na kami?
Nakaka-intimidate makita ang apat na panel sa harap na tig-iisang may kopya. Ipinagdasal ko ang araw na ito, at ilang beses ko na ring inisip na sana, maipasa namin. Sana magawa namin.
Nang matapos ang presentation, mas lalo akong kinabahan. Binomba na kami ng panel ng maraming tanong. Sinimulan nila sa intent—bakit ito 'yung research namin, tapos sa questionnaire at review of related literature—kung sila ba'y consistent, and then sa mga argumentong nakalagay mula roon sa presentation of findings. Sa mga 'yon, ako ang lahat ng sumagot at hindi si Easton.
Tama nang ako nalang, wag na siya. Baka kung ano pa ang sabihin niya.
"When I am looking on your tables—here, on page 51..." salita ng isang panel. "from Grade 7 to 10, paiba-iba ang set ng data pero iisa lang naman ang itinatanong. Bakit ganito ito? Bakit iba-iba?"
Naka-isip na ako ng isasagot agad. "Ah kasi po—"
"No, si Easton ang sasagot. Kanina ka pa." Sabi niya. Napalunok naman ako at napatingin kay Easton, halatang nabigla rin siya na siya ang pinasasagot.
"Ah, sir, kasi po..." nakahanda na sana akong i-coach siya, pero sumagot na siya ng sarili niya. "kasi po hindi po pantay-pantay ng dami ng assignment na ipinabibigay sakanila."
"Which means?"
"Which means... na-coconsider po ng school na ito 'yung hirap ng klase ng assignment na ipinapagawa. Kung mapapansin po natin, sa Grade 7, bihira po magbigay ng mga pa-essay na assignment kumpara sa Grade 10."
"Do you have any related literature to support that?"
Umiling si Easton. "Wala po. Pero pwede po tayong magbase sa makatuwirang assumption na ganun po ang nangyayari kasi, essay po 'yun eh. Ina-assess naman po 'yun ng mga gumagawa ng curriculum natin. Kung palagi pong nagpapa-essay sa mga Grade 7, aangat po dapat yung stats niyan sa often kesa sometimes, na magkakaroon po ng impact sa kung papaano po nila tignan ang pagbibigay ng homework sakanila—kung nakakasagabal po ba masyado o hindi. Mabigat po 'yung essay, kaya hindi po masyadong ibinibigay sakanila, kumpara sa mga Grade 10."
Ang taray, makatuwirang assumption? Reasonable assumption 'yun in English, ah? Napahanga ako dahil nasalag niya 'yung tanong ng panel.
"Okay, good." Napangiti ang panel. "But it would be good if you have literary data to support that, such as a memo or a mandate from curriculum na dapat limited ang pagbibigay ng essays, okay? Hindi magandang nagbabase lang tayo palagi sa assumption. If you have that, mas malakas ang argument ninyo." Muli itong tumingin sa papel. "Dugtungan ko nalang din 'yung sinabi mo na magkakaroon 'yun ng impact sa pananaw nila sa pagbibigay ng homework sakanila—yes. It will really do. Especially sa kung paano din naman naalagaan ang mental capacity ng bawat bata sa curriculum na ipinapatupad. This should predict the result of your study, na hindi naman talaga disadvantageous ang pagbibigay ng homework sakanila. The good news is, iyon talaga ang lumabas sa overall results ng study ninyo. All students agreed that giving homework is not at all, disadvantageous for them."
What does that mean?
"There may still be a lot of questions that can be asked, but I can say, well done." Sabi ng panel sa'min. Napatingin ako kay Easton at nakita kong nakangiti siya. Parang gusto ko ng tumambling sa sobrang saya. "You have done your research very well. Considering your level, ang galing. Congratulations."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...