Chapter 14

17 1 0
                                    

CHAPTER 14
HINDI TATABLAN

TERRENCE

"Huy, basta panoorin mo 'yon kapag nagkaroon ka ng time ah?"

TINANGUAN KO si Lucky.

"Magandang movie 'yun sis, hindi mo pagsisisihang panoorin."

"Oo na."

"Basta sis, ha? Panoorin mo."

Ngumuso ako sa sobrang kulit niya. "Oo na nga. 'Wag ka mag-alala magfofocus din ako dun sa crush na crush mong celebrity."

Natawa siya. "Sabi mo 'yan ah? Sige uuwi na ko. Bye baby ko. Mwah mwah."

"Bye din milabs. Ingat ka sa pag-uwi." Natatawa ko ring paalam sakaniya. Pagkatapos ay dire-diretso na siyang dumako kung saang direksyon 'yung bahay niya.

Well, may pinakilala lang naman sa'king pelikula si vakla na sobra niyang nagustuhan. Bukod daw kasi sa ang ganda ng plot, sobrang gwapo din daw nung main actor. Hindi ko pa sure kung kailan ko 'yun mapapanood, dahil madalas na korean dramas ang pinapanood ko. Pero siguro kapag tinamaan na ako ng amats ko baka ma-recall ko 'yun sa isa sa mga pagpipilian kong panoorin.

Oh diba? Ang sama kong kaibigan? Hindi sumusunod sa usapan? Charot lang. Sabi niya naman kapag "may time" daw ako, eh. Edi kapag trip ko na saka ko lang papanoorin.

Nandito ako ngayon sa usual na tambayan ng mga estudyante kapag naghihintay ng sundo. Iniintay ko pang matapos si Easton sa classroom dahil cleaner siya ngayon. Sinipag maglinis ang kumag. Parang dati lang inirereklamo siya ng mga kasama niya kasi bihira lang siya tumulong.

Hindi naman ako maka-uwi pa sa ngayon dahil nga iniintay ko siya. Kung matatandaan niyo 'yung away nila nung gang, iniisip ko pa ring pwedeng mangyari nalang 'yun bigla ulit. Ayoko mapagtulungan. Kaya no choice ako kundi makisabay lagi kay kumag. Idagdag niyo pa 'yung hanggang ngayon na hindi nag-eexpire na request ni Mama kay Easton na magsabay kaming umuwi.

Napansin ko ang kanina pang umiihip na malamig na hangin. Napahawak ako saglit sa magkabilang braso ko. Dumagundong ang kalangitan dahil sa kulog. Napatingin ako sa taas.

Madilim. Uulan.

Pagbaba ko ng tingin ay nakita ko sa malayo ang naglalakad na si Kai. Naka-earphones siya habang nagcecellphone. Nakasilid din ang isang kamay niya sa kaniyang bulsa. Para siyang isang school heartthrob na makisig na naglalakad papunta sa direksyon ko.

Napatingin siya sa kalangitan ng biglang bumuhos na ang malakas na ulan. Napabilis ang lakad niya at tumakbo papunta dito sa silong kung nasaan ako. Napa-ayos naman ako ng aking upo. Nagsiksikan sa shed dahil maraming mga estudyante ang naki-silong din. Bahagyang natakpan tuloy si Kai sa kabila dahil magkalayo kami.

Pero dahil magalaw ang mga estudyante rito, hindi rin naiwasan na mapadpad si Kai sa aking tabi at mas napagmasdan ko siya ng palihim. Basa ang kaniyang buhok at tinanggal niya na 'yung kaniyang earphones. Maya-maya'y nakita ko siyang nag-aalala sa lakas ng ulan.

Kinalabit ko siya at napalingon siya sa'kin. "Okay ka lang?"

"Y-Yeah, kinda." Sagot niya tapos huminga ng malalim. "I am in a rush today, pero mukhang matatagalan akong umuwi. Nakalimutan kong magdala ng payong."

"May lakad ka ba ngayon?"

Tumango siya. "Oo. Birthday ng Tito ko."

Napa-isip ako. Mayroon akong dalang payong, eh.

Ipahiram ko kaya sakaniya?

"Wait lang." Sabi ko sakaniya at inilagay ang bag sa harap ko. Binuksan ko 'yun at kinuha dun 'yung payong ko. Ini-abot ko sakaniya. "Oh, hiramin mo muna. Ibalik mo nalang sa'kin bukas."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon