Chapter 20

6 2 0
                                    

CHAPTER 20

MGA IBON SA KALANGITAN

TERRENCE

INIMBITAHAN AKO kasama ng aking ilang mga kaklase ni Marie sa birthday niya. Debut niya na dahil 18 years old na siya.

Hindi naman mandatory na lahat pumunta, pero lahat kami invited. Halos lahat yata ng nasa section namin um-attend ng birthday niya. Lahat kami nakatikim ng pa-cater—yayamanin pala ang class leader namin!

Noong una akala ko chill-chill lang ang birthday niya, not until biglang maglabas ng alak ang pamilya niya at sinabing kumuha ng alak 'yung mga kakalse naming gusto ng mag-inom.

Syempre hindi ako kumuha dahil hindi naman ako umiinom ng alak. I don't drink alcohol and I think I will never ever want to taste alcohol. Ewan ko, ayaw ko lang talaga.

Hindi nga pala nakasama si Kai sa birthday. As usual, ayaw niya raw pumunta sa mga ganito. Katabi ko naman si Lucky ngayon at tsaka si... kumag. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkaka-ayos ng tropa niya. Magkagalit pa rin sila sa isa't isa. Nakakaloka lang na mas pinipili niya pa akong lapitan at kausapin kesa makipagbati sa mga friends niya. Nagbago na nga kaya ang kumag?

Ang galing naman.

"Baka magpakalasing ka ng sobra, Easton." Sita ko sakaniya habang kanina pa ko kain ng kain ng spaghetti. "Malayo ang bahay natin kina Marie, tandaan mo."

"Hindi ako nagpapakalasing."

"Anong hindi? Kanina ka pa inom ng inom diyan. Ayokong magbuhat ng kumag pauwi, ah? Pag nalasing ka iiwanan talaga kita dito, bahala ka diyan." Inilayo ko lang ang tingin ko patungo sa handaan.

"Kung maka-kumag ka naman." Sabi niya. "Ikaw nga kanina ka pa spaghetti ng spaghetti diyan, magbubuhol na 'yan sa bituka mo. Tatae ka ng malala niyan bukas pataas at pababa."

Inirapan ko siya. "Hahaha, nakakatawa."

"Bes," biglang harap naman sa'kin ni Lucky. "puntahan ko lang si Marie, ha?"

Tumango ako. "Sige." Nilingon ko si Easton. "Ikaw, puntahan mo kaya 'yung mga kaibigan mo? Mag-reconcile na kayo."

Kumunot ang noo niya't lumapit sa'kin. "Anong huling sinabi mo? Bacon size?"

"Hay na ko. Ang sabi ko magka-ayos na kayo ngayon."

Lumayo siya. "Ayoko nga. Pag pumunta ako ron," kinuha niya 'yung bote sa harap niya at sinalinan ang baso niya. "magkakagulo."

"Bakit naman? Eh pupunta ka nga dun para makipag-ayos hindi para makipag-away."

"'Yun na nga, Terrence. Hindi pwedeng hindi kami mag-aaway. Tsaka naririnig mo ba sarili mo? Ako pa mag-sosorry? Ibig sabihin ako pa ang mali na pinagtanggol kita?"

Napa-isip ako doon sa sinabi niya. Oo nga, no. Mukhang tanga nga naman 'yung pinapagawa ko sakaniya.

"Pinaparamdam mo sa'kin na ayaw mo talaga akong kasama." Nagtatampo niyang sabi, sabay inom niya sa baso niya.

Nilingon ko siya. "Bakit hindi?" Wala sa sarili kong sagot at tsaka ibinaling agad ang lingon sa may hardin nina Marie. Alam kong mayroong magandang view doon dahil nasa mataas na bahagi ng lungsod ang bahay nina Marie, eh. Makapunta na nga lang doon.

"Diyan ka nga muna." Paalam ko kay Easton, sabay tayo. Naiisip ko pa lang kung gaano ka-presko ang hangin doon, na-eexcite na ako.

Nang makarating ako roon ay nadama ko ang bahagyang katahimikan. Tinanaw ko ang mga ilaw sa ibaba mula sa kabahayan. Marahan namang hinaplos ng gumagalang hangin ang aking pisngi—napaka relaxing. Sana magkaroon din kami ng bahay na sa ganitong lugar nakatayo. Perfect dito magpahinga kapag gusto mo lang mapag-isa, makapag-isip isip, at i-appreciate 'yung existence mo. Wala na sigurong mas tatalo pa sa experience na ikaw lang at ang kalikasan, habang nakikita ka ng Diyos sa Kalangitan.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon