CHAPTER 18
PINAGKAKATIWALAANTERRENCE
BAGO PA ako mabanatan ulit ng mga kaibigan ni Easton, dumating ang mga nakakakitang estudyante sa labas ng CR at inawat sila. Muntik na nilang bugbugin ulit si Easton ng sabay-sabay. Napatingin ako kay Easton at nakita kong nagulo 'yung uniform niya. Inawat ko siya ng makita kong napuno ng galit ang kaniyang mga mata't susugurin sina Dominic.
"Wala kaming ginagawang masama sa'yo, pre!" Sigaw ni Dominic sakaniya habang inaawat sila pareho. "Tanga ka na ba? 'Di ka naman ganyan dati, ah?"
"Halika dito!" Hamon sakaniya ni Easton. Lumingon siya sa'kin. "Bitawan mo ko, Terrence."
Umiling ako't galit siyang tinignan. "Hindi. Pumirmi ka dito."
"Ginayuma ka ba ng bading na 'yan kaya ginaganti mo 'yan? Naknamp*cha!"
Hindi ko maintindihan... bakit niya ako iginanti?
Hinigpitan ko ang pag-awat kay Easton. "Ang sabi mo sa'kin wala kang ginawa." Bulong ko sakaniya.
Hindi siya sumagot at iniwasan akong tignan. Nanatiling nakakuyom lang ang kaniyang kamay at gusto niyang sugurin talaga ang mga kaibigan niya.
"Hoy Terrence, wag mo ngang yapusin 'yang kaibigan namin! Kaya nababakla na siguro talaga 'yan—"
"Demetrius!" Muli kong awat sakaniya dahil nilakasan niya nanaman ang pagkawala sa'kin. Agad din naman siyang napahinto sa pagkakabanggit ko sa una niyang pangalan.
Dumating ang mga professor na andodoon sa building na 'yun. Pinagalitan nila kami't pinapunta sa guidance office. Napapikit nalang ako sa inis. This is my first time na ma-guidance. Kinabahan ako bigla.
Nang madaan kami sa classroom namin ay pinagtinginan kami. Nakita ko pa ang nagtatakang mga mata ni Lucky at naguguluhan, pero umiwas ako ng tingin at walang sagot na binigay sakaniya.
Pagdating namin sa guidance office, pinaupo kami roon at pinaghiwalay. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko habang katabi ko si Easton samantalang nasa harapan naman namin sina Dominic. Ang tatalim ng tingin nila sa isa't-isa habang may taga-awat. Maya-maya pa, dumating ang adviser namin na si Ma'am Cajudo.
"Ma'am, ano bang nangyayari rito sa mga estudyante mo?" Tanong ng Tomboy na guidance counselor.
"Hindi ko nga alam, eh. Bakit ba ganyan ang mga itsura ninyo? Bakit puro pasa kayo?" Napatingin sa'kin si Ma'am Cajudo. "At ikaw, Terrence? Bakit napasama ka rito?"
Nagsalita bigla si Dominic. "Wala naman kaming ginagawa Ma'am, eh. Kaya lang 'di na kami nakapasok ng flag ceremony kanina dahil itong si Easton bigla kaming hinarang at sinuntok. Edi syempre, gumanti kami Ma'am! Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kokote niyang kaibigan namin at ginanyan niya kami, eh 'di naman namin siya inaano!"
"Magkakaibigan kayo Easton, ah?"
Natahimik lang si Easton at hindi sinagot si Ma'am. Kitang kita ko sa mga mata niya ang kagustuhan na makawala at suntukin si Dominic.
"Easton, ano?" Tanong sakaniya ng guidance counselor. "Kung hindi ka sasagot, sususpendihin ka namin ng ikaw lang."
"Ganito kasi 'yan Ma'am." Biglang sagot ni Easton at umayos ng upo. "Birthday ko kahapon at inimbitahan ko 'tong si Terrence na pumunta sa pinagpapart-time-an ko. Ililibre ko kasi siya dapat, pero hindi ko siya nakita. Akala ko hindi pumunta, hanggang sa nalaman ko nalang na pinagtulungan siya ng mga 'to. Kaya ganito itsura ni Terrence, eh. Paano ko pa siya makikita kung pinagtulungan na pala nitong mga g*gong 'to?"
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...