Chapter 13

15 1 0
                                    

CHAPTER 13
INIMBITAHAN

TERRENCE

PUMUNTA NGA kami ni Kai ng convenience store at kumain kami dun. Hindi ko alam sa puntong ito kung ano bang uunahin ko—'yung maging maayos ba sa harap niya para naman hindi ako magmukhang makapal ang mukha o 'yung kalmahin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi naman siya naging palasalita noong andodoon kami. Kung ano lang ang itinanong ko siyang sinasagot niya lang din naman. Pero kahit ganoon, hindi niya naman ginagawang awkward 'yung atmosphere sa pagitan naming dalawa dahil hindi naman the whole time nakabusangot ang kaniyang mukha.

"Pasensya ka na kung ang awkward." Salita niya. "I just really want to treat you because I am happy."

Umiling ako at natawa. "Nako, hindi naman ako na-aawkward-an. Okay lang."

Ipinakita niya sa'kin ang wallet niya. "There is one thing here that just means a lot to me. May napansin ka ba rito?" Binuksan niya ang loob niyon. "You are trustworthy, hindi manlang nabawasan ang pera ko. That is why gusto kitang ilibre."

Umiling ako ulit. "Wala naman." Kahit pa naka-dalawang beses akong tingin kagabi sa wallet niya. Pero hindi ko naman talaga 'yun masyadong pinakealaman dahil obvious namang puro pera lang ang laman niyan. Aside sa 2x2 picture niya, 'yun lang at tsaka pera lang niya ang nakita ko—pero meron pa kayang iba na hindi ko napansin?

"Ano bang meron sa wallet mo?"

"Wala, it's a personal matter."

Uminom ako sa chills na binili niya. Nang mababa ko 'yun ay napa-bulong ako out of nowhere. "May blessings talaga 'no kapag palagi kang gumagawa ng mabuti." I know this as a basic fact, pero iba pa rin sa feeling kapag naranasan mo na, eh.

"Of course." Biglang sagot ni Kai sa harapan ko. "That's probably one of the reasons why Saint Paul commanded us to never grow weary of doing them."

"Nakita kasi kita ulit kaninang ngumiti, eh. Minsan lang 'yun." Napangiti ako.

"Blessings para sa'yo ang ngumiti ako?" Seryoso niyang sabi. "Nabuo ba araw mo sa ngiti ko? Ganun ako ka-gwapo?"

Napakurap-kurap ako. It's my first time to hear him this way, at nakapagpadala iyon wari ng mga paru-paro sa aking tyan. Strangely enough, wala manlang akong naramdamang kayabangan sa tono o sa ekspresyon ng mukha niya nung sinabi niya 'yon. He's just really curious and it's so... attractive.

"H-Hindi naman, parang loko 'to." Nahihiya kong sabi. "Smiling is good for every one of us. Napangiti kita dahil sa nagawa kong mabuti and that made me smile. Masaya ako kasi nakatulong ako at 'yung ngiti mo 'yung confirmation nun, tapos ngumiti ka and something helpful happened in your psychology. Those were blessings for both you and me."

Napayuko siya, pagkatapos ay ngumiti. "That's very rational, ah?" Hinawakan niya ulit 'yung chills niya at tumingin sa'kin.

Umiwas ako ng tingin. Lusot! Tinignan ko ang relos ko. "Oh, malapit na pala matapos ang recess. Bilisan na natin para makabalik na tayo. Thank you ulit, Kai."

"No problem."

Mauulit pa kaya itong pagkakataong ito?

Pagdating ng lunch time, kinwento ko kay Lucky lahat ng nangyari. Sinabi ko sakaniya na ang saya-saya ko dahil tinreat ako ni Kai. Napanguso naman si vakla sa kalagitnaan ng kwento ko.

"Teka lang, bestie, ah? I know na ang sarap-sarap ma-libre. Pero kakaiba 'yang ngiti mo habang nagkekwento ka. Ang tamis tamis tapos parang kinikilig ka pa." Natahimik ako sa sinabi niya. "Something is quite suspicious—ano 'yan?" Hininaan niya 'yung boses niya. "May crush ka kay Kai, ano?"

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon