Chapter 11

10 2 0
                                    

CHAPTER 11
KABAITAN

TERRENCE

MAAGA AKONG gumising ngayong linggo para mamalengke. Inutusan na ako ni Mama gabi palang at hindi ko alam para saan. Wala naman akong maisip na okasyon ngayon para malaman kung bakit. Siguro maaga niya lang pinabibili sa'kin 'yung ulam namin para sa tanghali.

Nagbihis ako pero hindi pa ko naliligo. Laban na 'to 'no, palengke lang naman. 'Di naman ako maaamoy dun. Sinalubong ako ng sariwang lamig ng umaga paglabas ko ng bahay at ang panay na tilaok ng manok. Ang tahimik pa ng paligid at 'di pa sobrang maliwanag—nakaka-lift up ng mood ang mundo pag ganitong oras.

Thank You Lord!

Nang makalabas ako ng street namin, huminto ako sa tabi para maghanap ng tyempo sa pagtawid. Nang magkaroon ng chance, tumawid na ako. Naglakad ng dire-diretso. Nakipag-patintero sa mga etchas. At tumambling, kung kinakailangan.

Hanggang sa biglang may humintong tricycle sa tabi ko. Binusinahan niya ako. Napalingon ako sakaniya at nagulat ako ng makilala ko kung sino'ng driver nito.

Nginisihan niya ako. "Good morning."

Si Easton, nasa tricycle? "Ano'ng ginagawa mo? Bakit ka naka-motor?" Marunong pala siya niyan?

"Namamasada. Sakay ka?"

Napaawang ang bibig ko. "May tricycle kayo?"

Umiling siya. "Hindi amin 'to. Ni-rerent lang."

"Hindi ako sasakay. Okay na ko maglakad papuntang palengke." Sagot ko.

"Ang layo pa ng palengke. Sumakay ka na, dali." Pilit niya. "Para na rin may kita ako. Diba, nakatulong ka pa sa'kin?"

"Ayoko. Delikado 'no, baka mamaya ibangga mo pa ako." Huminto ako't hinarap siya. "Tsaka may lisensya ka ba? Baka pa-drive drive ka diyan 'yung lisensya mo talahib."

"Grabe ka naman sa'kin. Pag pinakita ko ba sa'yo magpapahatid ka na sa'kin?"

Napa-isip ako. Nakakatuwa na makitang marunong siyang mag-tricycle. In fact, pogi points nanaman sakaniya 'yun. Pero sa anong katangahang rason ako dapat pumayag na magpahatid sa kumag na kagaya niya?

Hinugot niya 'yung wallet sa bulsa niya. Sumilay ang matipuno niyang mga dibdib at balikat sa pagbali ng kaniyang katawan. Habang hinihimay niya 'yung wallet niya'y nag-iwas ako ng tingin. Ang hirap ma-attract nanaman ulit, baka makalimot ako sa mga naging kasalanan niya.

"Oh," pinakita niya sa'kin 'yung lisensya niya. "lumapit ka ng makita mo."

"Oo na."

"Kaya kong mamasada kaya safe ka sa'kin dito. Tsaka isa pa," tinuro niya 'yong loob ng tricycle. "basahin mo 'tong nakalagay sa loob. 'God bless our trip' Ibig sabihin hindi lang ako mag-iingat, bibiyayaan din tayo ng Diyos ng maayos na byahe." Sabay kindat niya pa sa'kin.

Sumilip nga ako sa loob, at nakita 'yun. "Iba naman ang nababasa ko." Pagsisinungaling ko. "Ang nakita ko 'Barya lang po sa umaga.' Eh pano 'to, limang daan ang dala ko. May panukli ka ba sa limang daan?"

Natawa ako ng nawala ang ngiti niya at sinimangutan ako. "Oh wala, diba?"

"Ikaw lang 'yung pasaherong kinailangan ko pang kausapin para sumakay. Ang espesyal nito. Ganito nalang: tutulungan mo ba akong kumita o hindi?"

Anong klaseng tanong 'yun? Para namang nangongonsensya 'yun. Loko nitong Easton na 'to!

Napalunok ako't napa-isip. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong tao kung hindi ko siya tutulungan. After all, for sure pamilya niya rin naman 'yung nag-push sakaniyang mag-drive ng tricycle. In effect, pag 'di ako sumakay para ko na rin tinanggihan 'yung oportunidad na tulungan siya ng pamilya niya.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon