Chapter 7

14 3 0
                                    

CHAPTER 7
ANG SIMULA NG MAHIKA

TERRENCE

THE THOUGHT of his ex-girlfriend bothered me.

Gusto kong makilala kung sino siya at kung papaano ang naging relasyon nila. Parang gusto kong kontakin siya mamaya gamit si Zoren para magkaroon ng kaalaman tungkol sakaniya, kaya lang naisip ko na baka hindi makatulong sakaniya kasi nga diba? Gusto niya ng kalimutan 'yung taong 'yon? Napaka-sama ko naman na sasariwain ko pa ang mga alaala niya sakaniya para lang makilala ko.

With this thought, pinipigilan ko na 'yung sarili kong mangati na tanungin pa si Easton. Pero habang tumatagal ng tumatagal ang oras sa klase, hindi nawala sa'kin ang mga narinig ko sakaniya sa CR, hanggang sa nakarating ako sa desisyon na baka pwedeng may malaman pa rin akong kahit konti.

Alam ko na. Magtatanong nalang ako, tapos titignan ko kung magkekwento nalang siya. Hindi ko pepwersahin, pero sisimplehan ko lang siya sa tanong na "nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" Magiging safe naman 'yun, hindi ba? Kayang kaya niyang sagutin ng maayos ng hindi siya makakaramdam ng lungkot? After all hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol sakaniya. Siya nalang ang bahala kung magke-kwento siya sa'kin o hindi.

Hindi ko na naalintana 'yung mga nagawa niya sa'kin these past few days dahil sa ka-kuryusuhan ko, kahit pa iisang taong sinaktan lang niya ang may hawak ng account ni Zoren. Interesado ako sa kung ano'ng sasabihin niya sa'kin.

Maghahapunan noong mag-chat ako sakaniya.

Today 7:54 PM

Zoren:
Kumain ka na?

Seen

Easton:
Kakatapos lang po
Ikaw?

Zoren:
Kakain pa lang

Easton: Typing...
Easton:
Anong ulam niyo? Penge hahaha

Napaka-warm at ang gaan niya makipag-usap sa'kin—paano ko hindi magagawang ilaban kahit papaano na mabuti pa rin siyang tao despite sa mga pang-aasar at pangbubully na naranasan ko sakaniya these days?

Zoren:
Secret hahaha
Ang takaw nito kakakain lang eh

Easton reacted to your message.

Zoren:
Uy may kaibigan ako alam mo ba

Easton:
Hindi ko pa alam

Zoren:
Sabi ko na eh

Napatakip ako sa bibig ko at napatawa. Ano ba 'yan! Parang tanga nanaman takbo ng conversation namin nito.

Easton:
Hahaha ano nangyare

Zoren:
Wala naman na-predict ko lang kung kelan sila naghiwalay nung jowa niya
Pwede na kong break-up forecaster

Easton: Typing...
Easton:
Nakakatakot ka naman
Baka tyamba lang yan

Zoren:
Hindi ah. Sabi ko mga March 23-25, 6PM ng gabi maghihiwalay sila
Tapos naghiwalay nga ang galing

Easton:
Edi kasalanan mo yan
Baka nag-away kayo nung kaibigan mo nagpredict ka pa, ikaw sisisihin nun bakit sila naghiwalay haha lokko kaaa

Zoren:
Hindi ah kase magkaiba 'yung nag-predict sa nag-arrange ng break up no

Pero sa totoo lang wala naman talaga akong kaibigan na nagawan ko ng ganito. Eme eme lang, para mailusot ko 'yung tanong.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon