Chapter 19

7 2 0
                                    

CHAPTER 19
NILIKHA, INIIMBITA, AT MINAMAHAL

TERRENCE

"Marami akong kaibigan noon."

NASA LABAS na kami ni Kai ng garden at naglalakad na kami pabalik sa room. Tapos na rin naman na siyang kumain at malapit na ang oras ng pagbabalik ng klase.

"Tinalikuran ko sila kasi..."

Natahimik siya't nag-isip. Parang hindi siya sigurado kung itutuloy niya ba 'yung sasabihin niya o hindi.

"... natauhan ako bigla ng malaman kong wala naman pala talaga akong tunay na kaibigan."

"Huh?"

"Because of them I learned to distance myself from people. Natakot na akong magtiwala ulit. Alam mo 'yung isang bagay na natural mo namang ibinibigay sa iba dati, ngayon sinipag ka ng ipagdamot?" Paliwanag niya. "I cannot be sure of someone's intention kung genuine ba sila, kasi baka ang totoo nun kaya sila lumalapit kasi gusto lang nila akong gamitin."

Biglang nag-ring sa isip ko 'yung itinanong niya sa'kin noon nung gusto niyang malaman kung ano bang intensyon ko. Siguro... kaya ganoon nalang din ka-offensive ang naging tanong niya sa'kin—na para bang ipinapamukha niya sa'kin noon na mukha akong pera. Dahil nalaman kong malaman ang wallet niya, nilalapitan ko siya ng nilalapitan. Eh ang totoo namang rason, nakita ko siya sa panaginip ko ng ilang beses.

"Ayaw mo na bang bigyan 'yung ibang tao sa paligid mo ng chance?" Tanong ko. "Malay mo naman... hindi sila katulad nung dati mong mga naging kaibigan?"

"Mahirap mag-isip ng ganyan Terrence kapag sobrang dinurog 'yung puso mo doon sa nalaman mong iyong pagmamahal na ibinibigay mo sa kaibigan mo, hindi naman naibabalik." Tumingin siya sa'kin. "Kung ikaw ba, sila palagi ang sentro ng atensyon mo, kung ano ang mahalaga sakanila siyang ibinibigay mo—pinapatawa mo sila, laging nililibre, pinapakopya at kung ano-ano pa, para lang malaman mo soon na hindi naman sila masaya na kasama ka? Na pera mo lang ang habol nila at kung ano ang kailangan nila sa'yo ang mahalaga, hindi 'yung kung sino ka bilang kaibigan nila? Nothing hurts more for me than being just used as a means, para sa sarili nilang kagustuhan. Para akong walang emosyon."

Natahimik ako sa haba ng paliwanag niya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko, ngayong nagsasalita na sa'kin ngayon ang tunay na Kai—si Kai na matagal niya nang itinatago sa kaniyang loob dahil pinoprotektahan niyang makita't masaktan ulit ng iba na hindi siya pinahahalagahan.

"I am a genuine friend." Ngumiti siya sa'kin. "At gusto ko rin ng totoong mga kaibigan. Whoever will count as my true friend, must pass my observation kung malinis ba ang intensyon nila sa'kin o hindi."

"Kumbaga, hindi lahat ng tao, deserve 'yung kaya mong ibigay, ganoon ba?"

Tumango siya. "Yep. I can just be kind to all while not, on the other hand, having them as my companions. Ibang bagay na 'yung maging kaibigan mo ang isang tao. Pumili ka lang ng sasamahan mo."

"Masaya ka naman na mag-isa ka nalang? Syempre... nasanay ka na marami kang kasama noon..." Tanong ko ulit dahil sa kuryusidad.

"Oo naman." Nakangiti niyang sabi. "There is still a part of me na na-eenjoy kong ako lang mag-isa. Ever since din naman na nalayo ako sakanila, mas nabigyan ko ng focus 'yung mga bagay sa sarili ko na napabayaan ko dati. Noon ko lang din naman na they made me become a person I never was. Kaya nagkaroon din ako ng kalayaan."

"Bukod dito," inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa bulsa. "nakalipat na rin naman ako ng school. I can preserve my peace of mind here. Walang nakakakilala sa'kin." Pagkatapos ay lumingon siya sa'kin. "Ikaw palang. Kasi nagtitiwala ako sa'yo."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon