CHAPTER 28
LAMBING SA 'YONG KAPITTERRENCE
"Terrence, 'yung pinapabili ko sa'yong ulam."
NAPABALIKWAS AKO ng bangon ng maalala ko 'yung ini-utos sa'kin ni Mama kanina pa. Oo nga pala! Mabilis akong nag-suot ng damit at tsaka kinuha 'yung pera sa may cabinet.
"Papunta na ako, Ma."
"Nako, may aabutan ka pa kaya? Anong oras na baka ubos na ang isda sa palengke." Lumitaw si Mama sa pintuan.
"Hindi 'yan." Sabi ko naman. "Mayron pang nagtitinda ng Pompano dun."
"Kung wala ng Pompano, Tilapia nalang ang bilhin mo."
Tinanguan ko siya at nagmadali na sa paglabas. Kamuntik ko pang mabangga 'yung isang upuan na nakaharang sa dadaaanan ko. Kung bakit ba naman kasi masyado akong nalibang sa pag-scroll sa Facebook? Sana may maabutan pa akong isdang Pompano ngayong gabi. Ang sarap-sarap pa naman nun.
Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Easton na nasa gate nila. Naka-upo siya sa pintuan habang nag-cecellphone.
Napa-angat siya ng tingin ng mapansin ako. Dire-diretso naman ako sa paglalakad. Hanggang sa bigla ko nalang naramdaman na tumayo pala siya at tinakbo ako para maabutan.
"San ka punta? Alis ka?" Tanong niya habang masayang nilagay sakaniyang bulsa ang magkabilang kamay.
"Pupunta ako sa palengke, bibili ng ulam."
"Ano'ng ulam?"
"Isdang Pompano. Nagmamadali nga ako, eh." Problemado kong sabi sakaniya. "Nakalimutan ko kasi, eh kanina pa 'yun ini-uutos ni Mama. Baka wala na kong maabutan."
"Ganun?" Ngumuso siya. "Nandyan 'yung tricycle na nilalabas ko tuwing madaling araw. Gusto mo ihatid na kita?"
Napahinto ako sa paglalakad at napa-isip. Oo nga, no? Kung maglalakad pa ako mula dito hanggang sa labas ng street namin, matatagalan pa. Kung pwede naman palang dito palang makakasakay na ko, bakit hindi?
Mabilis akong tumango sakaniya. "Sige!"
Bigla naman siyang ngumisi ng nakakaloko. "Kiss muna."
Kumunot ang noo ko. "Luh?"
Nilapit niya ang sarili niya sa'kin. "Dali, kiss moko rito." Tinuro niya 'yung pisngi niya. "Hahatid kita ng mas mabilis pa sa kidlat."
"Ang dami mong alam." Bwisit, talagang maypa-ganun pa? Eh paano kung may makakita sa'min dito? "Wag nalang nga!"
Akmang lalakad na sana ako ng bigla niyang hinawakan 'yung braso ko. "Ayaw mo? Ikaw rin."
Napahinga ako ng malalim. Pinagmasdan ko siya at nagpa-cute siya sa harap ko. Umayos siya ng tindig at pumustura na parang hinihintay niya ang halik ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gagawin ko na ba? F-First time ko 'to...
"Tumatakbo ang oras, Nicolas." He teased.
Huminga ulit ako ng malalim. Hinawakan ko ang braso niya at hinigit siya lalo papalapit sa'kin. Lumunok ako bilang paghahanda, at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Isang masayang ngiti ang kumawala sa kaniya pagkatapos niyon.
"Okay na, Demetrio?" Tawag ko rin sa una niyang pangalan.
Pinisil niya ang ilong ko, bago tumakbo papasok ng gate nila at inilabas 'yung kanilang tricycle. Pinanood ko siyang mabilis na pinaandar ang motor at ni-rebolusyon 'yun saglit. Isang swabeng galaw at binuksan niya ang switch ng gasolina niyon, pagkatapos ay tumingin sa'kin. Umayos siya ng upo, sabay kindat. "Tara na, my loves."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...