CHAPTER 29
HINDI TAMATERRENCE
HINDI AKO makatulog agad pagkatapos ng JS promenade. Hanggang sa maka-uwi, gising na gising ang diwa ko at hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. This is just one perfect night—hinding hindi ko malilimutan 'to! I'll never forget how strong Easton was in his conviction that he loves me, at kung papaano niyang naisalin ang lakas na iyon sa akin. Pakiramdam ko ay umulan ng paruparo sa buong venue kanina ng isayaw niya ako.
Hanggang sa pagtulog, magka-usap kami. Panay ang chat namin sa cellphone ng kung ano-ano, at muntikan pa kaming abutin ng alas kwatro sa pagpupuyat. Kulang nalang lumabas kami ng bahay at sa labas mag-usap. Kung pwede lang, eh.
Pag dating ng Monday, inulan ako ng tanong mula kay Lucky dahil shock na shock siya sa kung ano'ng nasaksihan niya nung gabing 'yun. Hindi pa siya na-kuntento sa pangungulit niya sa'kin sa messenger at ginusto niya talagang marinig in person ang testimonya ko kung papaano lahat ng nangyari.
Hindi naman ako nagsinungaling. Kinikilig pa ako habang nagkekwentuhan kaming dalawa sa labas ng library. Sa kadulu-duluhan ng aking mga nai-kwento, nagtanong siya.
"Anong nakapagpa-decide sa'yo na piliin siya, Terrence?"
"Well, sinunod ko lang 'yung sinabi mo. I just let my heart... do its thing." Masaya kong sabi sakaniya. "Then I think, everything just fell into their right places. Hindi ko manlang na-realize lately na... ayun... bigla ko nalang siyang tinawag na boyfriend ko nung JS..."
Ngumiti din siya at sinundot ako sa tagiliran. "Ang taray ng baby ko! Sana all, mayroon ng jowa." Hinawakan niya 'yung magkaparehas na kamay ko at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata. "Alam mo, naiinis ako kay Easton to the very depths of my soul. But seeing how everything conspired for the both of you, wala akong magawa kung hindi suportahan kayo. Sana ingatan ka ng maigi ni Easton dahil... alam mo na, ang puso natin sa ganitong bagay ay parang kagaya lang din naman ng sa ibang tao. Masyadong fragile."
Tumango tango ako sakaniya.
"I'll be praying na 'yung relationship ninyong dalawa ay maging strong. Well, tingin ko naman magiging nga, according sa naikwento mo sa'kin tungkol kay Easton."
Natawa ako sa sinabi niya. "Salamat, Lucky. Akala ko 'di ka magiging supportive kasi ayaw mo kay Easton, eh."
"Well, it's your heart's decision. Sino ako para mag-intervene?" Sagot niya. "I'll only get there sa pagiging hindi na supportive kapag gumawa na siya ng kalokohan sa'yo. Kakalbuhin ko siya ng malala para magmukha siyang Iguana."
Lumipas na mabilis ang mga araw at napag-desisyunan namin ni Easton na mag-Simba this week. Noong una'y masaya pa ako't walang iniisip na magiging problema noong naglalakad na kami papunta roon, pero nabalot ako ng pag-aalala nung bigla niyang hawakan ang kamay ko sa daan.
Agad pumasok sa isip ko ang maaring isipin ng ibang tao kung sakaling makita nila kaming ganito—parang nabura agad sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Easton lately, pati na ang mga napagdaanan namin.
Nang makarating kami sa harapan ng Simbahan, napatingin ako sa nakakabighaning Krus sa itaas. Huminto kami saglit ni Easton at ako'y napahinga ng malalim. Bagamat ako'y nabibighani, hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib. Lumingon si Easton sa'kin at binigyan ako ng makabuluhang tingin. Napayuko lamang ako.
Mas lalo pang lumala ang kaba ko noong naghahanap kami ng upuan, nakita ng mga parokyano ang magkahawak naming kamay. May bahid ang mga iyon ng duda at agad kong nabatid sa kanilang mga tingin ang pagtutol.
Sa kaba ko agad kong nabitawan ang kamay ni Easton. Napalingon siya sa'kin.
"Bakit?" Tanong niya.
Napayuko ako. "A-Ang daming nakakakita..."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomantikSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...