CHAPTER 30
ANG TUNAY NA NANGYARITERRENCE
ISANG LINGGO kami ni Easton na hindi nagsasabay tuwing papasok o uuwi. Ayaw naming mahuli kami parehas nina Mama at Papa na nagsasama dahil hindi ko alam kung ano nanaman ang pwedeng mangyari. Baka saktan na ni Papa si Easton, pag nagkataon.
Bagamat sa mga libreng oras sa classroom o di kaya ay konting oras kapag umuuwi doon lang kami nakakapag-bonding, hindi pa rin nababawasan iyong bigat ng loob na nararamdaman ko dahil alam kong... hindi legal itong ginagawa namin.
Sa kabilang banda, hindi pa rin kami nagkaka-usap nina Mama at Papa. Hindi ko sila kayang kausapin. Sa mga pagkakataon lang na inuutusan nila ako doon kami nagkakaroon ng munting interaksyon, pero hindi 'yun sapat para mabalik ang dating pamamaraan namin ng pag-uusap.
Minsan, isang gabi ay binulabog ako ng isa sa mga thoughts na ayaw kong maisip. Paano kung... hindi talaga magbigay sina Mama at Papa ng approval para sa aming dalawa? Paano kung mahantong talaga kami sa hiwalayan? That thought scared me a lot, but Easton comforted me.
"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi maganda 'yan." Ginulo niya ang buhok ko habang nakasandal ako sa balikat niya sa ilalim ng puno sa school. "Matatanggap din nila tayo..."
Sa nagdaang mga araw, pakiramdam ko ay kaya ko pang protektahan ang sarili ko sa lahat ng klase ng negative thoughts, but everything just flashed in my head this Saturday. Parang pumasok lamang at lumabas din sa tenga ko ang narinig ko kay Easton.
Nahirapan akong maging positibo. Wala akong ibang maisip at marinig sa isip ko kung hindi ang mga salitang "paano." At kahit pa pilitin ko ang sarili kong maniwala na magiging maayos ang lahat, my mind couldn't just let me. Binubugbog ako ng sarili kong mga thoughts na nagsasabing hindi maganda ang kahihinatnan nito lahat.
Sa pagod ko, napahilata nalang ako sa aking kama at pumikit. Hindi ko nalang namalayan na unti-unti na pala akong kinukuha ng tulog at pansamantalang nakapagpahinga palayo sa realidad.
Paggising ko, nakarinig ako ng parang may nag-uusap sa sala. Kinusot ko ang mata ko at tinignan ko ang orasan—alas otso na ng gabi. Napabangon ako habang dinidinig ang boses ni Papa.
"Walang pera ang anak ko, Easton."
Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis na bumangon at napababa ng double deck. A-Andito si Easton? Ano'ng pinag-uusapan nila?
"Kung iniisip mo na may maibibigay siya sa'yo buwan-buwan bilang sukli sa atensyon na ibinibigay mo sakaniya, pwes, wala kang maasahan."
"Hindi po ganoon ang tingin ko kay Terrence, Tito." Sagot ni Easton. "Ni-rerespeto ko po siya at hindi ko po siya ginagamit."
Sumandal ako sa likod ng pinto at sumilip. Nakita kong magkatapatan si Easton at ang buong pamilya ko. Naka-uniform pa siya ng pang part time niya at mukhang kauuwi niya lang.
"Paano ako makasisigurong hindi mo niloloko ang anak ko?" Seryosong tanong ni Papa. "Kakaamin mo lang sa'min na hindi ka naman bading. Paano mo siya magagawang mahalin?"
Hindi nakasagot si Easton. Yumuko lang ito.
Si Ate naman ang nagsalita. "Iniisip namin ang kapakanan ni Terrence dito dahil puso niya ang nakasalalay. Hindi ka pwedeng magkamali, dahil kahit lalaki siya kagaya mo, madali siyang masaktan, lalo pa't bisexual siya. Naka-tatlong girlfriend ka na, sabi mo. Alam mo naman siguro kung gaano kasakit ang niloloko, hindi ba?"
Nag-angat ng tingin si Easton. "Mataas po ang tingin ko kay Terrence, at sobra po akong namamangha sakaniya... Napapasaya niya po ako kahit ngumiti lang po siya. Kahit po na ilang beses niya akong sinungitan noon sa pagpapapansin ko sakaniya, hindi manlang po nun natinag 'yung nararamdaman ko." Huminga siya ng malalim at tinignan si Papa ng mata sa mata. "Hindi ko po siya magagawang lokohin dahil tunay ko po siyang minamahal. Hindi po kawalan sa'kin kung wala man po siyang ibigay na materyal na bagay kapalit nito. Pagmamahal lang din naman po niya ang inaasam ko."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...