Chapter 6

16 2 0
                                    

CHAPTER 6
BAGAY NA HINDI DAPAT MALAMAN, PERO KAILANGAN

TERRENCE

KINAGABIHAN NAG-MESSAGE sa'kin si Kai. Ang bilis niya kumilos. Naka-gawa na siya kaagad ng online document kung saan pwede naming gawin ng sabay 'yung mga input namin.

Pagdating kinabukasan ay nag-usap na kami habang walang professor kung anong part 'yung gagawin namin. Ako ang naatasan sa introduction at conclusion, habang siya naman ang gagawa nung body. Kung inaakala niyo na madali lang 'yung akin dahil maiigsi lang din naman 'yung ilalagay sa mga 'yon, pwes 2+2=5. Ibig sabihin mali kayo. Kasi kailangan ko pang basahin 'yung mga ilalagay ni Kai sa body para maging cohesive ang takbo ng paper. The introduction makes the topic and the direction of the paper be known, while the conclusion provides what can we derive, rationally and evidently, from the facts gathered.

Hindi pa naman ito todo na research. Masasabi kong baby research lang ito at na-stress na ako ngayon palang kahit hindi pa namin nagagawa lahat. Mahirap hirap din kayang magbasa. Tsaka isa pa, kailangan ko ring ma-meet 'yung expectations ni Kai considering na matalino siya. Ayokong bigyan niya ko ng dismayadong mukha kapag nakita niya 'yung gawa ko. I have to keep in my mind the things I have to keep in mind, ganern.

Nang dumating ang recess, natapos din siya at bumalik kami sa classroom. Oh diba? Walang kwentang narration? De joke lang. Nasa classroom na kami ulit ngayon at nakikinig sa teacher namin. Naramdaman kong nauuhaw ako kaya kinuha ko 'yung tubig sa bag ko. At habang umiinom ako sa gitna ng maayos na daloy ng oras, wari'y may mahiwaga akong naramdaman sa aking bayolohikal na pagkatao na karaniwan ko rin namang nararanasan gabi-gabi. Maituturing kong mahiwaga ito sapagkat para akong nakakita ng spaghetti sa hapag kainan kahit wala namang okasyon—hindi nararapat na maramdaman ang sensasyong ito sa kalagitnaan ng klase.

Pagkababa ko ng tubig sa bag ko ay hindi ko inalintana ang nararamdaman. Pero habang tumatagal, lalo lamang itong lumalala. Napakagat ako sa labi sa pagpipigil. Totoo ba ito? Nararamdaman ko talaga 'to? Ang dami ko kasing nakain kagabi at tsaka ngayon sa canteen. Hindi pa ako nakakapag-withdraw!

"You know, I am just curious. Matanong ko nga lang ito sainyo bago ako umalis." Sabi ng professor naming lalaki habang nagpapack na siya ng mga gamit niya. "Why did you choose HUMSS?"

Natahimik ang buong klase. Maya-maya'y sumigaw ang isang lalaki sa dulo. "Kasi Sir walang math!"

Natawa ang professor namin. "Walang math—oo nga naman. Pero 'yung iba sainyo? Bukod sa walang math, bakit HUMSS ang pinili?" Lumingon siya sa'kin. "Terrence, bakit?"

Napakurap-kurap ako. Ang dami-daming mapipili, ako pa na natatae rito ang nahuli! Maingat akong tumayo at buong pwersang pinipigil ang sarili bago nagpaliwanag. "May... may ano kasi."

"Okay ka lang? Namumutla ka at pinagpapawisan."

"Baka natatae, Sir." Rinig ko mula sa isang boses sa likod na pamilyar sa'kin. Nagtawanan naman ang buong klase. Sinulyapan ko siya at nakita kong natatawa akong tinitignan ni Easton. Trip nanaman yata ako nito.

"Okay lang po ako." Sagot ko kay Sir. "I took HUMSS po kasi I am planning to be... a lawyer. Since being a lawyer involves being in the society, I have to learn how to reason for society. And to achieve this, and as well as to prepare myself for my pre-law, magandang magsimula po sa HUMSS."

Panis, English 'yun! Ganito ba kapag natatae? Nagiging fluent in English?

Napangiti si Sir sa'kin. "It's good that you have a vision. Sana lahat ng kabataan, kagaya mo Terrence. I'm sure your goal will also be the grounding of your excellence in class, tama ba?"

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon