CHAPTER 35
DEMETRIUSTERRENCE
"Ma, saan mo nilagay 'yung pantalon ko?"
PINAPASADAHAN KO ng tingin ang cabinet ko at hinahanap ko 'yung pantalon na gusto kong suotin. Inaya kasi ako ngayon ni Easton mag-date. Naghahanda na ako samantalang siya naman ay ganun din.
Pumasok si Mama sa kwarto at itinuro sa'kin. "Bakit, saan ka pupunta?"
Nang may maalala ako patungkol sakaniya, agad akong naghesitate kung sasabihin ko pa ba sakaniya. Pero mukhang wala na rin namang saysay kung itatago ko pa sakaniya, kaya sige na nga, sasabihin ko na. "Lalabas kami ni Easton."
Kinuha ko ang pantalon ko at iniwan na ako ni Mama roon. Nang masuot ko ang pantalon at nag-ayos na ng sapatos, marahan kong naramdaman ang unti-unting pagkamatay ng excitement na kanina lang ay aking nakamtan.
Para saan pa't mangyayari 'to?
I know that Easton is strongly against the idea of going with his mother, pero hindi mawala sa isip ko kung ano'ng tamang gawin. Masyado ko siyang mahal para maipit lang siya rito at maging kontento sa ganitong estado ng buhay.
Isang nakakatakot na ideya ang matagal nang naglalaro sa aking isipan, at hindi ko alam... hindi ko alam kung ngayon na ba dapat mangyari 'yun. Hindi ko alam ang gagawin.
Parang nawawala na ako sa sarili ko at hindi na makapag-isip ng tama dahil sa ganitong bagay—dapat ko bang hayaang mangyari ngayong araw na 'to na lumabas pa kami ni Easton? Kung oo, ito na ba ang huli?
Huminga ako ng malalim at napalunok. Kinakabahan ako. If only I can be just... happy. If only I could be that selfish na matuwa akong manatili siya rito dahil alam kong kaakibat noon ang pagiging malapit namin sa isa't isa.
Mahal na mahal ko siya, hanggang ngayon. Walang nagbabago. Pero mayroong mga bagay na alam kong dapat nang pinipigil.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita kong nag-iintay na sa'kin si Easton. Nakasandal siya sa gate at nag-cecellphone. Nang magkatitigan kaming dalawa ay labis nanaman akong namangha sa kakisigan at kagwapuhan niyang taglay. Broad shoulders, white t-shirt, tall and handsome—kahit na sinong lalaki o babae mahuhulog sakaniya.
"Gwapo ko, 'no?" Mayabang niyang sabi sabay ngisi. Pagkatapos ay tumuwid siya ng tayo at hinawakan ang kamay ko. "Walang sisigaw, ah?"
"Oo." Tinutukoy niya 'yung sasakyan naming mga rides. "Baka ikaw pa sumigaw diyan ng sumigaw, eh."
"Sus. Basic lang 'yan sa'kin."
"Yabang, sige. Makikita natin." Hamon ko sakaniya.
Pinigil ko ang ngiti ko ng maramdaman kong napapa-angat niya ang mga labi ko. Napatingin ako sa kamay ko na matamis niyang hawak-hawak. Gumapang ang tingin ko sa maaliwalas niyang mukha na masayang masaya at excited sa gagawin namin ngayong araw na 'to.
Parang may naramdaman akong matalim na tumarak sa puso ko. Sinong gugustuhin kalimutan lahat ng kinayang gawin ng lalaking ito?
Pagkarating namin sa may amusement park ay agad na kaming sumakay sa mga rides. In-enjoy ko lahat ng sinakyan namin. Sumigaw ako kahit na may pustahan pa kaming dalawa na 'wag sumigaw—na gayahin daw namin kunwari si Mr. Bean na walang reaksiyon kahit ibalibag kami ng ibalibag ng roller coaster. Pinasok namin 'yung mga horror horror na parang ako lang naman yata ang natakot habang tawang tawa siyang nakikita ang reaksiyon ko.
"Ang korni mo." Akusa ko sakaniya. "Sumigaw ka rin naman! Sayang ang bayad sa'yo!"
Natawa siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay sinunod niya ako't nagsisigaw ng sunod-sunod kahit hindi siya natatakot. Niyakap niya pa ako! Hindi ko na napigilan ang sarili ko't naging masaya sa mga pagkakataong iyon. I cannot just let all these good moments pass. They are one of the most beautiful moments I want to treasure and remember.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
Roman d'amourSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...