CHAPTER 24
BAKIT KAILANGANG IKAWTERRENCE
"Terrence, anak? Okay ka na ba?"
NAKAHARAP AKO ngayon sa salamin at tinitignan kung okay na ba 'yung suot ko. Humarap ako sa pinto at sinagot si Mama. "Opo, Ma!"
"Halika na, nandyan na sa labas 'yung sasakyan."
Today is one of the most exciting and beautiful days of my life. Birthday kasi ng Tito naming sobrang yaman at sobrang engrande ng pa-birthday nito. Sa isang room ng isang hotel kami nitong inimbitahan lahat na magkaka mag-anak. Doon daw ang handaan at birthday party. Hanggang alas dose raw kami doon ng gabi.
Excited na ako kasi first time kong makakapasok sa isang mamahaling hotel. Ano kayang itsura nun? Naiisip ko na kaagad 'yung mga chandelier at tsaka mga crews na may magandang uniform, iyong mga pa-fountain sa loob at kagandahan ng interior design, tapos 'yong kwelang mga pa-segment segment sa parlor games na pwedeng salihan.
Well, sana nga may ganoon at hindi masyadong formal ang birthday party.
Masaya ako't kumpleto kaming magpapamilya ngayon na pupunta. Kung hindi, nakakadismaya dahil hindi lahat nakapunta sa birthday ni Tito. Hindi lang ako, kung hindi si Tito na rin.
Isang oras bago kami nakarating sa hotel. Sinundo kami ng isa sa mga anak ni Tito Lito. Naka-ilang lakad at sakay kami ng elevator bago kami nakarating sa pinakang venue. Isa itong malawak na kwarto at namangha ako sa kalakihan nito.
"Nakakaligaw naman 'yung dinaanan natin." Komento ni Ate. "Pero wow, ah? Ang yaman talaga ni Tito."
"Madali lang naman matandaan papunta rito." Kontra ko kay Ate. "Tinandaan ko kanina 'yung daan papasok at papalabas."
Tumingin siya sa'kin. "Ang taray. Edi ikaw na."
"Gusto ko kasi makapunta mamaya sa beach sa labas." Tinaas-taasan ko siya ng dalawang kilay. "Mamayang gabi ta-try kong magpicture picture dun."
"Sige subukan mo ng mawala ka."
"Hindi, ah." Tinuro ko ang sentido ko. "Sabi ko nga sa'yo, memoryado ko. Bago tayo rito makapunta may fire extinguisher muna tayong nilagpasan, tapos may fountain sa kanan, tapos may mga kwarto sa gilid sabay—"
Tinakpan niya 'yung bibig ko. "Oo na, ikaw na nga."
Natawa naman ako sa ginawa niya. Alam niyo bang talagang bigatin ng sobra 'yung napili ni Tito Lito na hotel dahil mayroon itong kaharap na karagatan? Kaya mamaya, kapag medyo na-buryong na ako sa loob, lalabas ako at titignan ko 'yung beach. Gusto kong malaman kung ano'ng itsura nun sa gabi. Nung papasok kami kanina ay kumuha pa ako ng larawan doon eh—both me and the landscape, at ang ganda ng sunset!
Mayroon na palang mga naunang kamag-anak namin dito. Pagkarating namin sa may mga upuan ay nagkumustahan sila, kasama ang birthday celebrant na si Tito Lito. Ipinakilala nila ako at tsaka si Ate. Iyong mga Tito at Tita ko naman na ngayon lang ako nakita ay tuwang tuwa sa'kin.
Makalipas ang ilang mga sandali, isa-isa na kaming binigyan ng pagkain. Ang sarap ng pa-cater.
Maya-maya'y nagpa-parlor games na, gaya ng hinahanap ko. Ang kwela nung emcee at talagang nalilift-up niya 'yung mood ng game. Dagdag pa na mayroong DJ na todo suporta sa background effects tuwing may joke siya, sobrang naging entertaining ng birthday ni Tito.
Pero maya-maya, biglang nagkaroon eksena na kina-shock ng lahat.
Iyong anak ni Tito na isang babae, biglang niluhuran sa harapan ng isang lalaki sa kalagitnaan ng laro. Napatayo ang mga naka-upo at kasama na kami roon. Nagsihiyawan ang lahat.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...