CHAPTER 3
BAHAGYANG KINDAT NG KATOTOHANANTERRENCE
HINIGPITAN KO ng maigi ang sintas ng sapatos ko at tsaka nagpaalam kay Mama. Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling araw at ng tahimik na tahimik pa na kalye.
Lumipas na ang buong weekdays sa unang linggo ng pasukan at marami agad pina-assignment. Ngayong linggo para naman hindi ko mapabayaan 'yung health ko, mag-jojogging ako. Ito ang palagi kong ginagawa para naman matagtag ako kahit papaano.
Mayroong bundok dito sa'min na ginawan na ng kalsada at tinayuan na ng mga bahay-bahay, paradahan ng sasakyan, at paaralan. Doon ako ngayon papunta dahil mayroong ikutan doon ng mga nagjojogging kung saan pwede ako tumakbo ng tumakbo ng ilang ulit.
Sa unang pagtakbo ko, gumuhit nanaman sa aking isipan ang larawan ng isang lalaking naka-school uniform. Huminga nalang ako ng malalim. Nitong mga nakaraang araw na nagdaan iniisip ko kung makikipag kaibigan ba ako sakaniya sa classroom o hindi. Mabuti kung hindi, ano? Para hindi siya maghinala talaga sa'kin. O pwede ring oo, para may konting preparation na rin para sa'ming dalawa. Ang kaso, baka ma-wirduhan naman siya dahil 'yung first day of class namin, pinagdiskitahan na kami ng professor namin. So ano ba talaga?
Huminga ako ng malalim at inalis muna sa isipan ko ang mga bagay tungkol sakaniya. Nagjojogging ako ngayon, kailangan blanko ang isip ko. Wala akong dapat ibang intindihin kung may etchas ba sa dinadaanan ko na dapat kong iwasan.
At syempre, kung may aso na rin. Mahirap iyong lumabas ka ng bahay na fresh ka, tapos pag-uwi mo zombie ka na, ano.
Pagkadating sa pinakang taas ng bundok kung saan nandodoon 'yung circle, ilang laps ang sinubukan kong gawin. Pagkatapos ay nagjumping jacks ako. Tumambling. Nagsplit. Tsaka nagb-boy ng mga fifty times. Oo, ganun talaga. Tapos umikot pa ako ng mga isa pa, bago ako bumalik na ulit sa bahay.
Bumili pa ako ng inumin sa nadaanang convenience store, pagkatapos ay inayos ang earphones ko. Pakiramdam ko ay na-refresh ako ng bongga sa tinakbo ko. Kayo rin, mag-jogging kayo kahit isang beses lang sa isang linggo. Hindi 'yung puro hilata—didikit na 'yung kutson sa likod niyong napaka-aasim. Yuck!
Si Easton kaya? Nag-jojogging din kaya siya tuwing umaga sakanila? Ayain ko kaya 'yun—oo nga pala, hindi pwede. Hindi pa kami magkakilala.
Habang pinagmamasdan ko ang mga nalalampasan kong bato sa pag-uwi ay kusa akong napatingin sa harap. Nangunot nalang ang noo ko ng may mapansin ako sa isang matangkad na lalaking naglalakad papalabas ng street namin habang nakapambahay.
Teka, si Easton ba 'yun?
Napahinto ako't pinagmasdan kung papaano siya gumalaw. Mabilis nakaliko ang lalaki bago ko pa masilayan ang likod niya—mukhang pupunta siya sa palengke. Kuhang kuha niya iyong tangkad at klase ng buhok ni Easton, pero hindi ko makumpirma kung siya ba talaga 'yon dahil hindi ko nakita manlang 'yung mukha niya.
Takbuhin ko kaya?
"Hoy! Easton!"
Napahinto sa paglalakad 'yung lalaki at lumingon sa tumatawag sakaniya. Nakita kong si Easton nga! "Terrence?" Tawag niya. Nagulat ako ng bigla siyang may hugutin sa shorts niya at isang baril 'yon. "Alam kong ikaw si Zoren, huwag ka ng magpanggap! Anong karapatan mong lokohin ako?!"
Pagkatapos binaril niya ako, tapos namatay na ako. End of story na.
Charot. Hindi ko siya tinawag. Oo na, ang korni na ng entry ko. Sa tubig lang siguro ito na nainom ko. Hindi yata nasala ng maayos, kaloka. Hinayaan ko lang na makalayo 'yung lalaki pero tinitigan ko ng maayos ang paglalakad niya. Para kasi talaga siyang si Easton, eh.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...