Chapter 21

4 1 0
                                    

CHAPTER 21
PANAGINIP

TERRENCE

BUTI NALANG at hindi ako nilagnat kinabukasan. Ganoon din naman si Easton. Sinisipon nga lang ako ngayon ng kaunti. Sinabi ko kina Mama na na-hold up ang jeep na sinasakyan namin, at nagpapasalamat sila na hindi naman kami napahamak.

Ilang araw ang lumipas at nag-conduct na ng title defense kay Ma'am Cajudo. Nakagawa naman na kami ni Easton ng dalawang title. So far, participative naman ang loko at kahit papaano'y mukhang seryoso rin naman siya sa gagawin. Talagang nag-isip siya ng sobra para mapagtagpi tagpi namin 'yung gusto naming mangyari sa research namin.

Dapat lang no. Kapag kami bumagsak dahil sakaniya, isusumpa ko talaga siya. Hindi pwedeng ako lang ang mababaliw sa pag-conduct ng research at mas lalong ayaw kong makakuha ng grade na obvious na "basta lang nag-aral".

Himala yata kung maituturing, naipasa namin ang title defense. Ang gagawin nalang namin is bubuuhin namin 'yung ilang mga parts na kailangan naming buuhin, especially 'yung review of related literature, para magkaroon na kami ng questionnaire. Sana hanggang dun sa part na 'yun, mag-sipag si Easton. Tutal hindi pa naman sila ngayon bati ng mga friends niya, wala naman sigurong possible distraction sa paligid niya.

"Terrence, may ipapakita ako sa'yo..."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Kai sa likod ko. Naglalakad na kami papunta sa gate dahil uwian na. May tinitignan siya sa cellphone niya at tumabi sa'kin.

"Bes..." kinikilig na bulong naman ni Lucky sa tabi ko dahil dun. Aba, ang sarap kaya sa pakiramdam na ikaw na ang nilalapitan ng meant-to-be mo! Tuloy-tuloy na ata ito...

Nang magpantay kami ni Kai ay itinago niya muna sa'kin ang cellphone niya. "Ay wait, wag ko muna pala ipakita." Lumunok siya at kinalma ang sarili. "Diba... last time... we talked about my... talent?"

Umangat ang dalawang kilay ko. "Oo."

"Well, I..." nahihiya siyang nangiti. "I... I had courage to join dancing club outside the school."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?" Napangiti ako sa tuwa. "Hindi nga?"

Tumango siya. "I have been thinking about that since then, eh. Tingin ko ikaw nalang yata ang kulang para ma-inspire ako na i-pursue talaga 'yung isa sa mga bagay na gusto ko."

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ayiee... ma-aachieve niya na pangarap niya. Tama 'yan, Kai." Nginitian ko siya. "Maniwala ka lang sa sarili mo na kaya mo."

"Mayroon kaming practice every Saturday and Sunday. Katunayan niyan, naka-attend na ako ng practice last week."

"Kumusta naman?"

"Masaya. Sobra." Ngumuso siya at tumingin sa'kin. "Nung una nahihiya pa ako gumalaw, pero nung napanood ko kung gaano sila lahat kaseryoso tinodo ko na din."

"Wow, pano 'yung todo?" Singit naman ni Lucky sa tabi ko. Siniko ko siya't pinanlakihan ng mata. Baka mainis si Kai, siraulo 'to.

Kaso natawa sakaniya si Kai na siyang kinagulat ko. "Baliw."

"Charot lang!" Natatawang sabi ni Lucky.

Ang gaan sa puso makita 'yung tawa niya na 'yun. It's like we've been able to form one circle of friends here. Kumportable na si Kai sa amin.

"Diba may audition muna 'yun? Ano'ng sabi nila sa'yo?" Nakangiti ko namang tanong sakaniya.

"They liked the way I dance. I am so happy that I was able to overcome my shyness that time, kaya napa-approve ko sila na isali ako sa kanilang club."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon