CHAPTER 5
SINAGTERRENCE
"A-Ah, eh..."
HINDI KO siya matignan ng diretso sa mga mata. Gusto ko nang lumubog dito sa kina-uupuan ko dahil pakiramdam ko'y aatakihin ako sa puso gawa ng napaka-lalim na mga tingin niya sa'kin ngayon—para bang nakilala niya na ako agad sa isang aksidente lang!
Huli na ba ako sa akto?
Mabilis akong umiling-iling—kailangan kong tumanggi. "H-hindi." Umayos ako ng pagkaka-upo. Umangat naman ang dalawa niyang kilay.
Ang gwapo niya sa reaksiyon niyang 'yon pero kailangan kong magfocus sa pagtanggi. Now's not the right time—mamamatay ako kapag nalaman niya na ngayon na ako si Zoren!
"Nanloloko ka. Sa'yo 'yun, eh." Hindi makapaniwala niyang sabi. "Ang lapit lapit ng tunog."
Agad akong natauhan sa kung gaano ka-bobo 'yung naging desisyon ko. Change plans, change plans!
Mag-isip ka, Terrence...
"Bakit," lumunok ako at pinilit na maging stable ang composure. "s-sinabi ko bang hindi akin? Ang ibig kong sabihin... hindi 'yon pwede maging sa librarian kasi akin talaga 'yun."
Natahimik siya saglit at hindi nakasagot. Napakurap-kurap siya at parang may na-realize.
"Paanong naging sa'yo?" Sinulyapan niya ang cellphone niya bago pabalik sa akin. "Ibig sabihin, ikaw si..."
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko't nasobrahan na ko sa kaba kung kaya't hindi na ako makapag-isip ng maayos. Mukhang mas lalo ko pang napalala ang suspicion niya. Nanginginig at natataranta akong sinara 'yung libro ko—aalis nalang siguro muna ako. Hindi pwede 'to. Naba-blangko ako! Baka lalo lang ako magkamali kung magrarason pa ako.
Pagkatayo ko ay sinundan niya ako ng tingin. "Oh, san ka pupunta?"
"B-Babalik na ako sa classroom."
"Teka, may tanong pa ako."
Hindi ko na siya pinansin at inayos ko na 'yung mga gamit ko. Lumayo na ako sa lamesa, pero mabilis niya akong sinundan. "Hoy, teka lang—"
"Shhh, observe silence." Saway ng librarian. Pero naabutan na ako ni Easton at halos makuryente ako dahil hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Huwag... huwag ka ngang maingay dito sa library!" Pabulong na saway ko sakaniya para patayin ang malisya.
"Bakit ka muna aalis na agad? Bakit ka natataranta? Anong meron, ha?" Napalunok siya at tinignan ako ng maigi. "Ikaw si Zoren? Kaklase kita?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong si Zoren? Hindi ko kilala 'yun!" Pagdadahilan ko. Paktay na. "Tsaka bitawan mo ako dahil kaya ako nagmamadali kasi... kasi malapit na magklase! Mamaya 'di ko maramdaman ang oras."
"Kakapasok mo lang, ah? Ni wala pa nga tayong 30 minutes na andito, aalis ka na agad?"
"Eh nagbago na isip ko." Hinablot ko na 'yung braso ko sakaniya at tsaka ibinalik na sa shelf kung saan ko kinuha 'yung libro. Umalis siya at nakita ko sa gilid ng mata ko na kinuha niya na rin 'yung libro niya at tangkang ibabalik na 'yun sa pinagkunan niya.
"Oh, aalis ka na rin? A-Akala ko ba mag-aaral ka?"
"Oo nga." Sagot niya ng maibalik na 'yung libro. "Kaya kong basahin 'yung libro ng isang tingin lang, kaya tapos na akong mag-aral."
"Isang tingin—kalokohan!"
Ngumisi siya at narinig ko ang makalaglag brief na mahinang tawa niya. Naglakad siya papalapit sa'kin. Halos manindig ang balahibo ko ng bigla niyang hawakan ang bewang ko. "Tara na."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...