CHAPTER 16
GUSTONG MALAMANTERRENCE
NAPAKURAP-KURAP AKO at agad na ibinalik ang sarili sa ulirat. Baka pagalitan niya ako o sungitan. Natakot ako bigla. Dapat na ba akong tumakbo?
"Terrence—"
Yumuko ako at hindi ko na siya nahayaang magsalita. "Sorry, sorry. Pumasok ako ng walang pasabi, sorry ulit!"
Tumakbo na ako papalabas. "Wait lang—"
Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil dinala na ko ng pagpapanic ko papalabas ng hardin. Kung alam ko lang na andun siya at nagsasayaw kapag "me-time" niya, edi sana hindi na ako pumunta. Nakakainis, ang akala ko talaga nasa labas siya!
Kung sakali mang pagalitan niya ako o ano man, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sakaniya lahat ng detalye na alam ko. Naisip ko nalang habang nananakbo kung gaano kalalim ang mga seryoso niyang mata na matalim akong titignan kapag kinokorner niya na ako sa ginawa ko—nakaka-intimidate!
Pagdating ko sa classroom, hindi ko sinabi kay Lucky ang nangyari. Tahimik lang si vakla na nag-cecellphone sa tabi dahil may pinapanood siya sa Youtube.
Maya-maya'y pumasok na rin si Kai. Nagkatinginan kami at naghurumentado ang aking dibdib. Bahagyang naka-align ang mga kilay niya na para bang naiinis siya ng konti. Napa-iwas ako dahil doon ng tingin.
Nang makadaan siya sa harap ko ay napansin ko pa na bahagyang namumula ang kaniyang magkabilang tenga. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Wag nalang siguro ako magpapakita ng ekspresiyon na parang tuwang tuwa ako sa nakita ko kanina para 'di siya maghinala. Nahihinuha kong siya lang ang may gusto makita 'yung pagsasayaw niya kaya dun niya 'yun ginagawa, kaya aakto akong parang walang mahalaga o nakakatawa sa nasaksihan ko. That way mas mapapanatag akong 'di siya nagagalit sa'kin.
Lumipas ang ilang minuto at dumating na 'yung professor namin. Sinikap kong makinig ng maigi para hindi ma-focus 'yung isip ko kay Kai.
Nang magtanong ang professor, nagparticipate ako.
"Why, again, you should not plagiarize in writing your research paper?"
Nagtaas ako ng kamay. Pinagbigyan ako ng professor.
"Dahil po ang research ay—"
"Answer in English, Terrence."
"Ay, sorry po." Lumunok ako at umayos ng tayo. Kaya ko 'to. "B-Because producing research work is an act of trying to produce new ideas or new discoveries. It is not and cannot be a total reproduction or duplication of something. When we avoid plagiarizing something, we move away from duplicating other people's idea, work. T-This strengthens our research's credibility. Moreover, if we are not going to make citation for a statement we got from another researcher or person, what we're basically doing is stealing his idea and not giving credit—a thing that usually ruins our academic integrity."
"Good." Sagot ng professor, tapos pina-upo na ako.
Aksidente akong napalingon sa direksyon ni Easton at nakita kong may ni-mouth siyang salita. "Yabang."
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pabalik na sana ang tingin ko sa harapan, nang mahagip ko si Kai sa aking paningin. Nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso. Agad din naman siyang umiwas at tumingin sa notes niya.
Pagdating nga ng uwian, aalis ako agad! Imbes na matuwa't kiligin dahil mukhang na-impress ko si Kai sa sagot ko, kinakabahan ako sa mga titig niya na parang kakausapin niya ako mamaya.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...